Angeline Quinto, ‘di naniniwalang bakla si Erik Santos

ADVERTISING

Angeline Quinto, ‘di naniniwalang bakla si Erik Santos

Angeline-QuintoWALA NGA raw pakialaman si Angeline Quinto sa pinagdududahang gender ni Erik Santos. Nabuhay ang isyu sa dalawa nang aminin kasi ni Angeline kina Boy Abunda at Kris Aquino na love pa rin niya si Erik.

Naging hadlang lang daw sa panliligaw ni Erik ang non-showbiz na manliligaw ng sikat na female singer. Pero sa mismong Aquino & Abunda Tonight, tahasang sinabi ni Angeline na wala na raw ang non-showbiz guy suitor.

Anyway, going back sa gender isyu ni Erik, aware naman daw si Angeline sa tsismis na bakla raw ang binatang singer.

“Oo, aware ako sa tsismis. Pero sa akin naman, as long na wala akong nakikitang ganoon, ‘di ba? Hindi naman ako naniniwala sa mga sabi-sabi. Kasi naman sa akin, nu’ng may isyu rin sa akin, ganoon din naman siya sa akin. Hindi ako naniniwala hangga’t hindi ko po napatutunayan pa. Ang alam ko ay pihikan siya,” mariing pahayag pa ni Angeline.

ADVERTISING

Sa ngayon, mas mahalaga raw na lumalalim pa ang kanilang pagkakaibigan at kung sakali raw na ituloy muli ni Erik ang panliligaw, malaki ang pag-asa nitong sagutin na niya ang binatang singer.

“Basta kung anuman ang kahihinatnan nito. Alam naman niya ‘yon. Alam niyang okey ako kung anuman ang pupuntahan nito. Pero siyempre, ayoko namang mag-assume. Kailangan ay siya pa rin ang gumawa ng effort. Malaki naman ang pag-asa niya,” say pa ni Angeline na natsismis naman noon na isang tomboy.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING