Angeline Quinto, daig pa ang mga moviestar

ADVERTISING

Angeline Quinto, daig pa ang mga moviestar

Angeline Quinto
Angeline Quinto

Daig pa ng singer na si Angeline Quinto ang mga lehitimong moviestars sa pagiging busy sa paggawa ng pelikula. Part siya ng “That Thing Called Tanga Na” ng Regal Films na showing na with Eric Quizon, Billy Crawford, Mart Escudero, at Kean Cipriano.

ADVERTISING

Role bilang kaibigan ni Kean Cipriano na isang fashion designer ang pinortray ni Angeline Quinto sa movie. Pero may twist ang kanyang character dahil sa ending ng movie ay na-inlove siya kay Kean.

Alam na namin ang dahilan kung bakit niya nasabi noon sa past interviews na okey lang siya kahit na malaman niyang gay ang kanyang dyowa in real life. Yon pala kasi ang pinagdaanan ng kanyang character sa movie.

Anyway, dalawang movies din ang nilalagare ngayon ni Angeline. Isa rito ay ang launching movie niya sa Regal na “Never Been Kissed, Never Been Touched” na si Joel Lamangan ang director. May indie film din siyang ginagawa for Cinema One Originals kapartner si Allen Dizon.

ADVERTISING

“Ang dami pong projects kaya natutuwa talaga ako. Mas okey na ito kesa magkaroon ng lovelife,” sey ng singer-actress na umaming walang lovelife ngayon.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING