Angelika dela Cruz, wish na babae ang ipinagbubuntis

Angelika dela Cruz, wish na babae ang ipinagbubuntis

Angelika-dela-CruzUSO PA rin ang pagbubuntis ng mga sikat na artista. Matapos mabalitang buntis sina Empress Shuck, Marian Rivera, atbp. ngayon ay humabol si Angelika dela Cruz na two months preggy.

Ayon sa mestisang barangay chairman sa Malabon nang makatsikahan namin sa presscon ng Healing Hearts na magsisimula nang umere sa May 4, Monday, pagkatapos ng Yagit sa GMA 7 afternoon series, wala siyang kamalay-malay na buntis.

Tsika ni Angelika, dahil sa sobrang busy ng kanyang schedule ay hindi niya alam na buntis na pala siya at sumasali pa siya sa aquathlon.

“Busy rin ako sa work ko as councilor sa Malabon. Napansin ko lang na tumataba ako na akala ko, dahil hindi ako nakapag-e-exercise. Pero nang kumuha ako ng pregnancy test, positive at two months preggy na pala ako. Sana matapos ko itong soap namin na last year pa namin sinimulan, bago mahalata ang tummy ko,” pagtatapat ni Angelika.

Gusto ni Angelika na isang babae ang maging anak at kamukha niya. Biro niya kasi, kamukha ng mister niya na si Orion ang first child nila na si Gabby na six years old na ngayon.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo