Angelika dela Cruz, tuloy ang kasal – Gorgy’s Park

ADVERTISING

PAGKATAPOS MANGANAK NI Angelika dela Cruz, mahigit limang buwan na ang nakaraan, kaagad nakabalik ito sa trabaho dahil hinahanap daw talaga ng katawan niya.

Kaagad nagawa ni Angelika na magpapayat dahil gusto na raw talaga niyang makabalik sa trabaho.

ADVERTISING

Nakatsikahan na nga namin ito sa pictorial ng bagong sinenobela niya sa GMA- 7, ang Kaya Kong Abutin ang Langit na pagbibidahan ni Iza Calzado.

Dalawang araw sa loob ng isang linggo lang daw ang hiningi ni Angelika na mag-taping dahil hands-on talaga siya sa pag-aalaga sa anak nila ni Orion.

Kahit may yaya, silang mag-asawa talaga ang nag-aalaga sa baby at ang dami nga raw natutunan ni Angelika bilang ina.

ADVERTISING

Dito raw niya napagtanto kung ano talaga ang tunay na naramdaman ng isang ina at ngayon lang daw niya naintindihan ang naramdaman ng mommy niya.

Usapan daw nila ng asawa niyang si Orion, kapag nasa taping ito, absent sa trabaho ang asawa niya. Hindi raw nila iniiwan sa yaya lang ang kanilang anak kaya nu’ng nag-pictorial ito para sa Kaya Kong Abutin ang Langit, dala ito ni Angelika dahil nasa trabaho naman si Orion.

Bukod sa pag-aalaga sa kanilang anak, pinagkakaabalahan ngayon nina Angelika ang church wedding nila ni Orion.

Tuluy-tuloy na raw ito sa December 4 na gagawin sa Tagaytay.

Marami silang mga kaibigan sa showbiz ang may participation sa kasalan kaya tiyak na star-studded ito.

Pero ang isa sa nagpapa-excite sa kanila sa kanilang pagpapakasal sa simbahan ay ang kanilang anak na gagawin nilang ring bearer.

Kahit hindi pa raw ito nakakalakad, kesehodang ilagay lang daw nila ito sa stroller at lagyan nila ng maraming bulaklak. Basta bahagi ng kasalang iyun ang kanilang anak.

Pagkatapos ng kasal ay balik-trabaho raw muna si Angelika. Wala pa raw sa plano nila na mabuntis uli. Napagkasunduan na rin daw nila ni Orion na hanggang dalawang anak lang sila.

NU’NG FIRST DAY of showing ng In My Life ay kaagad na nanood kami sa Trinoma para mahusgahan kung maganda nga ba ang pelikula at kung blockbuster hit ito.

Dalawa ang sinehan sa Trinoma na pinagpapalabasan ng In My Life, pero isa lang ang punung-puno, ang isa hindi gaano.

Isa kami sa may malaking expectations sa pelikulang ito pero na-disappoint kami.

Hindi naman ito gaano kaganda dahil mukhang hindi na-handle nang mabuti ni direk Olivia Lamasan ang mga comedy scenes nito.

Drama talaga ng forte ni direk Lamasan kaya sa mga drama scene lang kami gaanong naantig.

Pagdating sa acting department, tanging si John Lloyd Cruz lang ang mapupuri namin dahil parang bumalik sa dating akting si Gov. Vi at si Luis Manzano naman ay nakukulangan pa kami at minsan parang si Gov. Vi ang style ng akting niya, minsan parang Edu Manzano rin.

Kung malakas  ang first day nito, ewan ko lang kung ma-maintain ito o magkaroon ng staying power sa takilya dahil tingin ko naman hindi naman makaka-relate sa pelikulang ito ang karamihan sa mga manonood.

By Gorgy’s Park

ADVERTISING