Parazzi Chikka: Angelika dela Cruz at Iza Calzado, magpapatalbugan sa dramahan!

ADVERTISING

Parazzi Chikka: Angelika dela Cruz at Iza Calzado, magpapatalbugan sa dramahan!

Certified hot momma talaga si Angelika dela Cruz! Tingin nga namin ay mas lalo siyang gumanda at sumeksi pagkatapos manganak sa kanyang panganay. Kamakailan lang ay naispatan siya ng ating kamerang gala sa birthday ni Philip Salvador kasama ang kanyang loving hubby. Nahuli din namin na kausap niya si Iza Calzado, na isa rin sa pinakamagaling na aktres ng Kapuso network. Silang dalawa pala ay nakatakdang magsama sa Sinenovela presents Kaya Kong Abutin ang Langit. Bait-baitan ang beauty ni Angelika rito for a change. Si Iza naman ang may angas ang karakter. Hmmm… does this mean na after Sunshine ay si Angelika naman ang hahamunin ni Izadora? Tiyak na hindi niyo ito palalampasin!

ADVERTISING

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba

ADVERTISING