Angelicopter, nakikipag-giyera kay Rhian Ramos?!

ADVERTISING

Angelicopter, nakikipag-giyera kay Rhian Ramos?!MUKHANG MAY namumuong giyera sa pagitan ng umano’y present at past ni DJ Mo Twister – ang radio disc jockey na si Angelicopter at ng GMA-7 talent na si Rhian Ramos.

Masyado kasing mabigat ang mga pahayag ni Angelicopter sa kanyang Twitter account (@TheAngelicopter) patungkol sa hindi niya pinangalanang “kaaway”.

Sunud-sunod ang tweets ni Angelicopter kahapon matapos na may mag-tweet sa kanya ng ganito: “@TheAngelicopter have u read R.R. tweer regarding u? Ang kapal nya lng.

Reply naman ni Angelicopter: “@KwinDet hehehe! Hayaan mo na. Ang sinabi ko Lang naman may anak kami ni Kristine. May sinabi ba akong iba? Like abortion? ;) #GuiltySiya?

Nauna kasi rito, nag-tweet si Angelicopter last June 22 habang nagbi-breakfast sa isang hotel, at nabanggit niya ang pangalan ng ex-girlfriend ni Mo Twister na si Rhian. Aniya, “Now having Bfast in a nice hotel & front desk thought i was Khristine H & Rhian R. I said “thanks. I’m not. Khristine & I have babies.

ADVERTISING

Kasunod ng reply tweet ni Angelicopter, hindi na ito napigilan na magbulalas ng iba pang ‘strong words’, ayon na rin sa kanyang followers, tulad ng mga sumusunod:

Well kaya nga daw sexy ka parin kasi pinatay mo yung baby mo para hindi ka tumaba. #GreatReasonToKill #Twice”

I can easily say I had my surgery. Can you say you did not kill those babies? Just say it. Say “I. Did. Not. Kill. My. Children.””

Sa huli, nasabi na lang ng radio DJ, at dating Survivor Philippines castaway na, “Masarap matulog ng malinis konsensiya”.

Sa twitter account naman ni Rhian Ramos na @whianwamos, naibulalas lang nito ang tweet na: “Project Brave, part two…….

Angelicopter, nakikipag-giyera kay Rhian Ramos?!

Si Angelicopter ang nababalitang bagong girlfriend umano ni Mo Twister, matapos ang controversial break-up nila ni Rhian na umabot pa sa akusasyon ni Mo pina-abort diumano ng actress ang bunga ng kanilang pagmamahalan.

Hanggang saan kaya aabot ang awayang ito sa pagitan nina Rhian at Angelicopter? ‘Yan ang aabangan natin….

ADVERTISING