Angelica Panganiban, winarningan ni Ma’am Charo Santos-Concio

ADVERTISING

Angelica Panganiban, winarningan ni Ma’am Charo Santos-Concio

Angelica-PanganibanKUNG HAHAYAAN pa rin ni Angelica Panganiban mapabayaan ang katawan, maaaring matapos na rin ang showbiz career. Pinatawag na siya ni Ma’am Charo Santos para pagsabihan na alagaan ang tumatabang katawan.

Wala kasing pakialam si Angelica kung tumaba man siya dahil secure naman siya sa kanyang kagandahan at feeling seksi pa rin kahit mataba pa.

‘Di nga ba mahal na mahal pa rin siya ni John Lloyd Cruz, kesehodang mola na ang kanyang katawan. Tutal naman daw ay lips niya ang kinababaliwan ng actor sa kanya.

Pero nang ipatawag na siya ng ABS-CBN President na si Madam Charo, tila natauhan ito at kaagad na nangako kay rito na magpapapayat na.

ADVERTISING

“Hindi ko na ipinagwalang-bahala ang pagtaba ko nang tawagan ako ni Ma’am Charo at sinabi niya sa akin, “Hija, tama na,” at sinagot ko siya ng “Yes, Ma’am Charo,” say ni Angelica.

Sinadya kasi ni Angelica na magpataba dahil sa role na ginagampanan niya sa Beauty In A Bottle kung saan isa siyang matabang dalaga na kinakantiyawan ng kapwa.

“Pagkatapos ng movie namin, saka ako magre-reduce in my own way. Ayaw ko kasing ipagalaw ang katawan ko,” katuwiran ni Angelica.

Samantalang ayaw nang patulan or sagutin pa ni Angelica ang isyung kinasangkutan ng ex-boyfriend.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING