Angelica Panganiban, tumangging maging nanay ni Kathryn Bernardo sa serye

Angelica Panganiban, tumangging maging nanay ni Kathryn Bernardo sa serye

Angelica-PanganibanIKINAGULAT PALA ni Angelica Panganiban nang i-offer sa kanya ang remake ng Pangako Sa ‘Yo. At ang lalo pa raw ikinagulat ng actress ay mother role ang gagampanan niya bilang si Amor Powers na ginampanan dati ni Eula Valdez.

“Actually, nang i-offer siya sa akin hindi ako makapaniwala na ino-offer siya sa akin. Na parang iniisip ko kung seryoso ba talaga si Tita Malou Santos (head ng Star Creatives na producer ng nasabing remake) na gawin akong nanay nu’n.

“Kasi ang unang ibinibigay sa akin, ‘yung Amor. So, hindi ko talaga ma-imagine ang sarili ko na may anak akong kasing-laki ni Kathryn (Bernardo),” tsika ni Angelica.

Hindi nilinaw ni Angge kung tinanggihan niya ang role na Amor Powers, pero diumano inalok siya ulit ng ibang role bilang Claudia Buenavista na kanya namang tinanggap.

Sa kuwento ng Pangako Sa ‘Yo, si Claudia ang nanay ni Daniel Padilla at ang lalabas na sa role ni Amor Powers ay si Jodi Sta. Maria.

Ayon kay Angelica, nagtitiwala naman daw siya sa management kaya tinanggap na rin niya ang role.

“Ang una kong tinanong kung talaga bang nakikita nila na magwo-work, so kung talagang nagtitiwala naman ang management sa akin na kaya kong gawin ‘yung character ni Claudie, eh, ‘di, kung baga, nag-take po ako ng malaking risk.

“Doon na rin naman ako papunta. I mean, marami na akong role na nagampanan. So, gusto ko ring i-enjoy ‘yung bagong phase ng career ko,” say pa ni Angelica.

Inamin ni Angge na kabado siya sa bagong role na gagampanan tulad ng naramdaman daw niya noong gawin niya ang Apoy sa Dagat.

Madalas na role kasi na ginagawa niya ngayon ay comedy at bihira na siyang magdrama kaya hindi mawala sa dibdib niya na manibago sa bagong role, bilang isang nanay.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo