Angelica Panganiban, pinanindigan na wala silang iringan ni Angel Locsin

ADVERTISING

Angelica Panganiban, pinanindigan na wala silang iringan ni Angel Locsin

Angelica Panganiban, pinanindigan na wala silang iringan ni Angel LocsinTHE MOVIE One More Try is one of the biggest winners in the 38th Metro Manila Film Festival. Humakot ito ng maraming awards kabilang na ang Best Picture, Best Actor, Best Child Star at FPJ Memorial Award for Excellence. Marami ang lumuha at naantig ang damdamin sa kuwento ng isang ina na gagawin ang lahat mailigtas lang ang buhay ng kanyang anak.

Isa sa mga eksenang tumatak sa isipan ng publiko ay ang confrontation scene nina Angel Locsin at Angelica Panganiban. What can you expect from a wife (Angelica) who confronts her husband’s ex (Angel) na muling pumasok sa kanyang buhay dahil sa kanilang anak na may sakit? Hindi ba’t isang umaatikabong aksyon ang magaganap? Nariyan ang sampalan, sabunutan at murahan sa pagitan ng magkabilang panig. At ito ay makatotohanang ipinakita sa pelikula ng mga karakter nina Angel at Angelica.Angelica Panganiban, pinanindigan na wala silang iringan ni Angel Locsin

Pero ang matinding eksenang ito sa pelikula ay sentro ngayon ng kontrobersiya dahil nagkaroon diumano ng iringan sa pagitan ng dalawang bidang babae. Paliwanag ni Angelica ay mahirap dayain ang mga ganitong klase ng eksena dahil mahahalata ng mga manonood.

Sari-saring reaksyon ang inani ng nasabing eksena mula sa publiko. Kung ang iba ay naniniwalang nagkaroon ng ‘di pagkakaunawaan ang dalawa, may mga nagsasabi naman na trabaho lang at walang personalan ang namagitan kina Angel at Angelica. Their respective fans also came to their defense.

ADVERTISING

Angelica said, “Kung may mapipikon o magagalit siguro napaka-unprofessional naman para maramdaman ng isang artista iyon na personalin ang eksena.”

Did they become close after doing the movie? “Sa mga susunod siguro [ay] may mas mabubuo pero sa ganitong ka-heavy na pelikula medyo mabigat para magkaroon ng mga bonding moments,” sagot ni Angelica. Pinanindigan din niya na walang iringan na namamagitan sa kanilang dalawa ni Angel.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING