Angelica Panganiban, patola sa mapang-asar na detractors

Angelica Panganiban, patola sa mapang-asar na detractors

Angelica-PanganibanINASAR SI Angelica Panganiban ng detractors niya. She was tagged kasi sa Twitter ng mga eksena sa That Thing Called Tadhana na pirated.

“Agh!!! D ko gets yung nanonood ng pirated tapos t-tag pa ko.. Alam ba nilang iligal yung ginagawa nila??” reaksyon ni Angelica.

“Gusto kaya nila wala ng gawing pelikula ang mga artista? Dahil mawawalan na kami ng trabaho sa pag suporta nila sa piracy.”

“Kahit kailan d nyo na makikita sa pelikula ang mga idols nyo.. :( mga kinakikiligan nyo? Kasi wala kayong respeto sa trabaho nila.”

“Respeto lang po san pare parehas tayong pilipino.. Pero naghahatakan tayo pababa.. Nakakalungkot to.. Grabe.”

‘Yan ang sunud-sunod na tweet ng aktres.

Naku, Angelica, hayaan mo na lang ‘yang mga walang modong ‘yan. ‘Wag mo na silang patulan. It’s just a waste of effort.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas