Angelica Panganiban, pahulaan ang ex-boyfriend na laging nambababae

ADVERTISING

Angelica Panganiban, pahulaan ang ex-boyfriend na laging nambababae

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban
Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, and Paulo Avelino
Dingdong Dantes, Angelica Panganiban, and Paulo Avelino

Parang may hugot si Angelica Panganiban sa quotable quotes na binitawan niya kahapo n sa media launch ng pelikulang “The Unmarried Wife”, kung san ay muli silang magtatambal ni Dingdong Dantes.

Sa katunayan, ang daming mga pang-bandera o pang-headline sa mga binitawang salita ng “Hugot Queen” na nag-enjoy naman lalo ang media na naroroon.

Siyempre, hindi maiiwasan na kulitin ang birthday girl (yes, birthday today, Friday, ni Angge and she’s proud be in her 30th) tungkol sa kanila ng ex-boyfie na si John Lloyd Cruz na magpasahanggang ngayon, tila wala pa ring nakaaalam sa dahilan ng split-up nila, na aakalain mo pa ngang mauuwi sa kasalan ang relasyon ng dalawa.

Sa media launch, aminado si Angge na nakaranas siya ng panloloko mula sa kanyang boyfriend nang mangaliwa ito. Not once but many times.

ADVERTISING

Hindi inamin ng aktres kung sino sa mga showbiz celebrities na nakarelasyon niya ang tinutukoy niya na nanloko sa kanya. Pahayag ni Angelica sa media, “Nu’ng una siyempre, ita-try mong kausapin. Kasi sa pagkakakilala n’yo, mukha lang akong mataray, pero ‘pag nagmahal ako, mas maintindihin ako, mas mahaba siguro ‘yung pasensiya ko. Girl ako pagka may karelasyon ako, babaeng-babae kumbaga.

“Siyempre ita-try mong kausapin, ‘di ba? Pero wala naman talagang ide-deny kahit na itago ng iba. Kaya nu’ng mga huli, tumahimik na lang ako. Parang hindi ko na kino-confront. Hinintay ko na lang na mapagod ako,” sabi niya tungkol sa ex-boyfriend niyang nanloko sa kanya.

Kaya nga ang usapan ng reporters na nakapanood ng full trailer ng pelikulang “The Unmarried Wife”, pakiwari nila ay halaw sa totoong buhay ni Angge na back to her statement about “panloloko” ng kanyang partner, iisipin ng marami at aakalain ng iba na si John Lloyd ang pinatutungkulan ni Angge.

Kamakailan, bago ang media launch, nakita na nag-date ang dalawa na nakunan pa ng picture kasama ang mga service crew ng resto. Kumalat sa social media ang naturang “reconciliation” photo ng dalawa, na idinenay naman ng aktres sa media launch.

Ngayon sa kaarawan niya, wala pang definite na plano si Angge.

“P’wede ba ‘yong sleep party na lahat kami matutulog lang para makapag-rest?” pabirong sabi niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING