Angelica Panganiban, niresbakan ng mga fans ni Angel Locsin

ADVERTISING

Angelica Panganiban, niresbakan ng mga fans ni Angel Locsin

Angelica-Panganiban-Angel-LocsinPARANG ANG OA din ng mga netizens. Porke hindi naman sila papansinin o papatulan ng ibang artista, wala rin silang habas na humusga at magkomento na akala mo, sila ang nagpapalamon sa mga artista.

Tulad na lamang ni Angelica Panganiban na iniintriga na naman kay Angel Locsin na ito raw ang pinariringgan ni Angge sa tweet nitong “wala sa timing ang patawa”. Ikinonek ke Angel dahil guest co-host ito sa It’s Showtime.

Nilinaw na ni Angge na hindi si Angel ang kanyang tinutukoy, pero matitigas pa rin ang bungo ng ibang netizens at ipinipilit na si Angel ang tinutukoy ni Angelica Panganiban.

Kaya naman ‘yung ibang fans ni Angel, rumesbak. At kung anu-ano na ang masasakit na salita ang binibitawan kay Angelica para ipagtanggol ang kanilang idol.

ADVERTISING

Meron pa nga kaming nabasang, “Hoy, Angelica, kesa ininonood mo ng tv eh mag-gym-gym ka rin pag me time para magkateleserye ka na!”

Kita mo ‘yan? Nang-aaway na ang mga fans. Parang kababata lang nila si Angelica kung magbitaw ng gano’ng comment, samantalang nilinaw na nga nu’ng aktres na hindi nga ‘yon si Angel.

Hay, nako… ewan ko ba. Matatahimik lang siguro ang mga fans kapag si Angelica ay nagturo na kung sino talaga ang kanyang tinutukoy na “waley magpatawa”.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING