Angelica Panganiban, nililigawan na ni John Lloyd Cruz?!

ADVERTISING

Angelica Panganiban, nililigawan na ni John Lloyd Cruz?!

Angelica Panganiban, nililigawan na ni John Lloyd Cruz?!GAYA NG mga ordinaryong mag-jowa na nag-break, mukhang bet lang talagang pumarti-party at magpakasaya sa ngayon ni Angelica Panganiban with her friends kaysa nga naman siguro magmukmuk s’ya sa k’warto n’ya.

Three Friday nights ago ay nakita namin si Angelica kasama ang kanyang non-showbiz friends at sina Glaiza de Castro at Kean Cipriano sa isang bar sa Eastwood City sa Libis, Quezon City.

Halos lahat ng tao sa labas ng bar ay napatingin sa kagandahan ni Angelica na nang dumating ay naka-short shorts.

Nagkakasayahan ang grupo nina Angelica. Sa katunayan, sumasayaw pa ang dalawang aktres sa loob ng bar at nagpopo-pose for pictures hanggang sa DJ’s area. Hindi namin alam na close pala si Angelica kina Glaiza at Kean.

ADVERTISING

Balita namin, sinusubukan ni Angelica ngayon na magsulat ng mga kanta, gaya nina Glaiza at Kean.

Paglabas ng grupo nila ng bar ay humiwalay na raw ng daan si Glaiza, ayon sa mga kasama naming nakakita sa kanila. Magkasabay namang maglakad papalayo sina Angelica at Kean kasama ang dalawa o tatlo pa nilang mga kaibigan. Although inaalalayan ng isa sa mga kaibigan nila si Angelica sa paglalakad dahil medyo gumegewang-gewang na ito sa paglalakad.

Balita rin namin, ayon daw sa ilang malalapit na kaibigan ni Angelica, tila nanliligaw na diumano si John Lloyd Cruz sa dalaga dahil madalas daw itong magpadala ng mga pagkain sa kanya.

 

NAKITA RIN namin nu’ng gabing ‘yon sa Eastwood Walk of Fame ang bagong mag-jowa na sina Dennis Trillo at Bianca King na magkasama.

Malayo pa lang ay namukhaan na namin ang dalawa. Masayang magka-holding hands sina Dennis at Bianca while walking sa gitna ng maraming tao. Naka-short shorts din that night si Bianca.

 

MAGING ANG sexy singer na si Mocha ay namataan din naming pumunta sa bar na kinaroroonan ni Angelica Panganiban at grupo nito makalipas ang ilang sandali para magpalipas siguro ng oras dahil mag-isa lang itong dumating at wala rin kaming nakitang tao na kinita nito sa loob o dumating pa.

All alone lang ang drama ni Mocha sa isang table nu’ng mga oras na ‘yon. Maiksing shorts din ang suot ng sexy singer na parang galing sa isang show o gig nito somewhere else.

Medyo malayo ang table ni Mocha kina Angelica at hindi naman yata sila magkakilala para magtsikahan.

 

BILIB NAMAN kami sa generosity ng apat na hosts ng Showbiz Inside Report na sina Janice de Belen, Carmina Villaroel, Ogie Diaz at Joey Marquez dahil nabalitaan namin na nag-sponsor sila ng overnight swimming sa isang private resort sa Antipolo, Rizal two Saturdays ago para sa kanilang production staff matapos ang kanilang episode that day.

Nauna pa nga raw nakarating sa resort si Carmina, kaya hinintay muna nito ang mga staff sa loob ng kanyang sasakyan.

Bukod naman daw sa monetary contribution ay ipinagluto pa raw ni Janice ang mga staff. Although sa apat, si Janice lang daw ang game na nag-swimming.

 

WOW, MAY bagong mapagkakatiwalaang beauty clinic ang nagbukas kamakailan, ang Aesthetic Institute of the Philippines o AIP (located at 15 Eisenhower Street, Greenhills, San Juan.) na pinangangasiwaan ng mga Board certified specialists sa pangunguna ng plastic surgeon na si Dr. Gene Gerald Tiong-co, FPAPRAS.

Ayon kay Dr. Tiong-co, mas mababa ang kanilang presyo kumpara sa mga ospital at ipinagmamalaki nito na ang AIP ay accredited ng Department of Health, at hindi lang daw ito basta isang center para sa pagpapaganda.

Angelica Panganiban, nililigawan na ni John Lloyd Cruz?!

Ang ilan sa services ng AIP ay (for dermatology) medical facial treatments, fillers, botox, stretch marks treatment, skin lightening treatment and laser hair removal; (for aesthetic plastic surgery) nose lift (rhinoplasty), breast reshaping (augmentation/reduction), liposuction, tummy tuck, scar revision and hair transplant; and (for slimming) kavishape (ultrasound cavitation), mesotherapy and L-Carnitine injection.

Ang celebrity endorser ng AIP ay ang asawa ni Onemig Bondoc na si Valerie Bariou na half-Filipina at half-French na model at gumanap na stand-in ng Hollywood actress na si Rachel Weisz sa ilang eksena sa pelikulang Bourne Legacy nila ni Jeremy Renner na kinunan dito sa Manila.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING