Angelica Panganiban, nangangayayat na sa break-up nila ni John Lloyd Cruz?

ADVERTISING

Angelica Panganiban, nangangayayat na sa break-up nila ni John Lloyd Cruz?

Angelica Panganiban, nangangayayat na sa break-up nila ni John Lloyd Cruz?Nag-post si Angelica Panganiban sa kanyang Instagram account ng isang babae na walang mukha, pero ang katawan at braso ay sobrang payat.

Ipinagpalagay tuloy ng kanyang mga followers at mga nakakita na siya ang naturang babae na nangangayayat dahil sa balitang break na sila ni John Lloyd Cruz.

May caption pa ang babaeng walang mukha na “skeletal system” dahil nga kita na ang collar bone at ang maliit na braso at maging ng hita.

Natural nag-worry ang mga followers at fans niya nang makita ang larawan na halos buto’t balat na babae, sa kabila ng wala pa namang kumpirmasyon sa break-up nina Angelica at John Lloyd Cruz.

ADVERTISING

Comment tuloy ng ilang nagmamahal kay Angelica: “Be Strong Miss Angelica, malalagpasan mo rin ‘yan… we love you.”

May nagsabi namang, “Please don’t look for Mr Right, kusa po yan darating sa tamang panahon.”

Ipinaalala rin ng IG followers kay Angelica na, “it’s okey to feel pain, we all human being all went thru the same phase in life.”

May mga nagsabi naman ng positive na malay raw natin at hindi pa talaga hiwalay ang dalawa.

May mga followers ding nagsabi na kung totoo raw na hiwalay na ang dalawa, baka magkaibigan pa rin sina Angelica at John Lloyd na hindi katulad ng iba na naghihiwalay. Kasi nakita raw nilang pina-follow pa rin ni Angelica Panganiban ang private IG account ni John Lloyd. Kung hindi raw siguro okey ang break-up ng dalawa, ‘di-malayong ini-unfollow na.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING