Angelica Panganiban, na-adik sa kili-kili ni Piolo Pascual!

ADVERTISING

Angelica Panganiban, na-adik sa kili-kili ni Piolo Pascual!

Angelica Panganiban, na-adik sa kili-kili ni Piolo Pascual!NANG MAKITA ni Direk Mae Cruz sa camera test na may chemistry sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban, siniguro nitong magki-click sa publiko ang tambalan ng dalawa sa pelikulang Every Breath You Take ng Star Cinema.

ADVERTISING

“I didn’t realize, although we work together, na ganoon kakumportable sina Piolo at Angel. I think, it helped na ganoon sila ka-close. There’s the friendship, kaya madaling mag-work together… there’s chemistry,” pasimula ni Direk Mae.

Kahit sabihin pa nating close friends sina Angelica at Papa P., pero iba ‘yung nasa harap ng kamera. To think na magkakaroon sila ng feeling sa isa’t isa. Paano nila nai-emote nang maganda para maging makatotohanan ang bawat eksena? “’Yung sa akin kasi, hindi ako umaarte. Totoo ‘yung nararamdaman ko. Kapag kaharap ninyo si Papa P, hindi kayo aarte. Kikiligin talaga kayo, kung ano ‘yung nakikita ninyo, ‘yun na ‘yun,” say ng dalaga.

“Malaking tulong ‘yung magka-kilala kami ni Angel, matagal na matagal na. This is our third project actually, but this is our first movie together, so… exciting. Sabi nga ni Direk, kumportable sa isa’t isa. I guess, malaking factor ‘yung magkakilala kami even before we started. So, kung anuman ‘yung ibinibigay ni Direk, it’s so easy for us to work around it kasi, kaya naming timplahin ang isa’t isa,” sundot naman ni Piolo.

ADVERTISING

Napanood namin ang kabuuan ng trailer ng nasabing pelikula. May isang eksena tipong ini-enjoy ni Angel ang kili-kili ni Piolo. Nasarapan ba ang dyowa ni Derek Ramsay o kailangan lang niyang gawin ‘yun dahil hinihingi sa eksena? “Well, masarap pong talaga. Nu’ng matikman ko, na- hook po ako. Ngayon, kino-control nila ako sa set na once a day na lang ‘yung pag-amoy ko. So, medyo, pagaling na akong talaga ,na-adik po ako sa kili-kili ni Papa P. Ang sarap po talaga… hinahabol ko siya. Ginagawa niya akong tanga, pinapaikut-ikot niya ako. Hindi siya gumagamit ng deodorant, almost perfect na po siya,” kinikilig na sabi ng actress.

Kahit kabila’t kanan ang intrigang ibinabato kay Piolo lalo pa itong sumisikat. “Sa totoo lang, siguro pananampalataya sa Itaas, ‘yun lang po, wala nang iba. Sabi ko, regardless of what happen sa buhay ng isang tao, you have to learn to be contented. Kung anumang mayroon ka, importante kontento ka sa buhay mo. ‘Yun po ang nangyayari sa akin, masaya ako. At siyempre, kung maraming blessing, masaya rin po ako bilang tao dahil hindi ako pinababayaan ng Diyos. Lahat ng nangyayari sa buhay ko, good or bad, itinataas ko lang po sa kanya,” paliwanag ng actor.

Malaki ang paghanga ni Piolo sa kakayahan ni Angelica as an actress. “Bata palang si Angel, pinapanood ko na siya. Kung titignan mo siya ngayon, every year nakikita mo, she’s changing always for the good, always for the better. Lalo pang gumaganda, lalo pang gumaga-ling. She’s becoming more comfortable sa track niya. She has class of her own. Hindi siya mahirap pakisamahan. Puwede mo siyang ilagay kahit saan. Marunong siyang makibagay at napakabait niya, hindi maarte. Siyempre, kapag may leading lady ka, aalagaan mo. Kai-langan ‘yung atensiyon mo, pero siya, she never give any hard time. Being with her, masarap siyang kasama,” tugon ng guwapong actor.

Angelica Panganiban, na-adik sa kili-kili ni Piolo Pascual!

Buong paghanga naman ang sinabi ni Angelica tungkol kay Papa P. “Siyempre, si Piolo simula noon nakita mong yumaman pa siya. Bumongga talaga siya pero hindi lumaki ang ulo. Ikaw nga ‘yung mahihiyang umarte kasi, wala siyang  arte. Parang pagod ka na, hindi pa siya pagod, wala kang karapatang mapagod. So, ang ganda nu’ng working relationship kasi, nai-inspire namin ‘yung isa’t isa. Naging maganda ‘yung trabaho, masaya, mayaman, hindi siya kuripot,” papuring ipinukol naman ni Angel sa kanyang leading man sa Every Breath You Take.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING