Angelica Panganiban masaya sa piling ng non-showbiz boyfriend

IN LOVE ngayon ang Kapamilya star na si Angelica Panganiban. Open book naman ang buhay pag-ibig ni aktres kaya naman marami ang nagwiwish na sana’y mahanap na niya ang lalaking tunay na magmamahal at mag-aalaga sa kanya.

Happy ngayon si Angelica sa kanyang current non-showbiz boyfriend named Gregg Homan. Ayon sa ilang entertainment websites, si Gregg ay naka-base sa Subic at involved sa pagdesign at paggawa ng boats and watercrafts sa lugar. Nagkakilala kaya sila habang nagti-taping para sa ongoing teleserye niya na ‘Walang Hanggang Paalam’?

Angelica Panganiban masaya sa piling ng non-showbiz boyfriend
Angelica Panganiban and Gregg Homan

Sa virtual presscon ng pelikula niya with Coco Martin na Love or Money na ipapalabas na ngayong Marso, tinanong ng mga press kung siya ba ay nag-hesitant ba na mainvolve muli sa isang relasyon lalo na’t very public naman ang mga naging breakups nito with her celebrity exes like Carlo Aquino, Derek Ramsay and John Lloyd Cruz.

“Siguro hindi naman nag-hold back. Nagi-ingat lang. Wala naman kasing naging pressure. Yun ang naging difference. Parang kalmado lang dumating yung lahat.”

”Hindi binigla, hindi pinilit. Parang nangyari na lang siya. Slowly, parang nag-open up na ulit sarili mo.” sagot ni Angelica sa press.

Sa bago niyang pelikula, isang sugar baby si Angelica na mas pipiliin ang pera over love. Sa totoong buhay kaya ay ano ang mas pipiliin niya?

“Ako, ever since, love,”

“Tama naman ’yung sinasabi ng pelikula parang kung masipag ka pwede mo kitain ’yung pera. ’Yung love kahit ano’ng sipag mo wala e, di talaga, Parang mahirap siya dumating sa buhay e, yung love. Feeling ko kasi ’yung pera pwede ka mangutang, pwede kang magsipag. Pero ’yung love, pinagdadasal mo talaga siya.”

Nilinaw din naman ng aktres na wala naman masama kung money ang mas pipiliin ng isang tao.

“Kasi, hind mo pwede husgahan yung mga tao na pipiliin yung money. Kung doon sila magiging masaya, e, or may mga tao na sumuko na talaga sa love. ‘Wala akong swerte dyan, so sarili ko na lang aatupagin ko.’ Iba-iba kasi talaga tayo ng mga pinagdaanan sa buhay. parang wala ako mabibigay na advice kundi magpakatotoo ka lang sa sarili mo kung saan ka magiging masaya then go.”

Iba-iba kasi talaga tayo ng mga pinagdaanan sa buhay. Parang wala ako mabibigay na advice kundi magpakatotoo ka lang sa sarili mo kung saan ka magiging masaya then go,” pagtatapos niya.