Angelica Panganiban magkaka-baby na!

Leo Bukas

NASA interesting stage daw ngayon at mver happy ang aktres na si Angelica Panganiban  dahil matutupad na ang matagal niyang pangarap na magkaroon ng anak. Dati pa man ay sinasabi na ni Angge gusto na niyang magka-baby pero at that time ay wala naman siyang boyfriend.

Ayon sa source, “Buntis si Angge kaya tumatanggi siya sa project. Actually may gagawin sana siya kaso pass daw muna at need niyang magpahinga.  E, yun pala dyontis ang lola mo.”

Angelica Panganiban magkaka-baby na!
Angelica Panganiban and Gregg Homan

Alam din daw ito ng mga boss ng ABS-CBN kaya binati nila si Angelica.

Si Gregg Homan ang boyfriend ngayon ni Angelica at ama ng kanyang magiging anak.

Kamakailan lang ay nag-imbita ng dinner si Angel Locsin sa bahay nila ng asawang si Neil Arce kasama ang mga kaibigang sina Dimples Romana, Bea Alonzo, Anne Curtis at Angelica.

Present din sa dinner ng magkakaibigan ang partner ni Angelica na si Gregg at boyfriend ni Bea na si Dominic Roque, Hindi naman nakarating ang aawa nina Dimples at Anne.

“About last night. Cue ‘Do-Re-Mi’ soundtrack,” caption ni Angel sa kanyang Instagram post.

Komento nanan ni Dimples sa post ni Angel, “LOVE YOU MARS! Love you ladies!!! What a happy night!!!”

“Love you girls,” say naman ni Bea na sinagot naman ni Angelica ng,  “Love you Mars.”

Nag-post din si Anne sa kanyang IG at snabing, “Missed these ladies so much! Imagine 2 years worth of catching up!

“They finally got to meet my little one too. Thank you tita Gel for showing her your cutie chickens! (Tita Bea, next time promise!) Thank you Dahlia and @erwan for letting me stay a little longer to have some chika/maritess time with this lot.”

“Till the next one mga mars. Let’s not wait too long.”

“Sunday fun day!! Reunion with my favorite girls! Grabe, namiss ko kayo sobra!! Thanks, Gel and Neil for hosting!” caption naman ni Bea sa kanyang post.

Sey naman ni Bea sa IG, “LOVE and HAPPINESS. Nothing makes me happier than to see my dearest friends so happy and beaming with so much beauty and love. God is good.”

Previous articleMyrtle Sarrosa mas tumatagal pa ang relasyon sa Sisters kesa sa mga nagiging ex-boyfriend
Next articleVLOG WATCH: What Maui Taylor does on her lock-in taping rest days