Angelica Panganiban, kinailangang magpataba para sa pelikula

ADVERTISING

Angelica Panganiban, kinailangang magpataba para sa pelikula

Angelica-PanganibanHINDI BASEHAN ang kagandahan para masabing walang insecurity ang bawat artista ng Beauty In A Bottle ng Skylight Films at Quantum Films na sina Carmi Martin, Empress, Assunta De Rossi, Angeline Quinto at Angelica Panganiban.

Sabi nga ni Carmi, wala pa siyang retoke sa kanyang katawan. “Original part pa rin ang katawan ko. Sa mukha, mayroon pero hindi siya regular. ‘Yung ilong, you can touch it, it’s original. Facial care, alaga ‘yan. Dati ang dami kong pimples, it’s an investment. Inalagaan ko ang skin ko, nag-invest ako kasi ito ang gusto ko.”

Maging si Empress, hindi itinago na may insecurity rin siya sa kapwa niya artistang babae. “Marami rin po, nandito tayo sa industry na maraming magaganda. Maiko-compare mo ‘yung sarili mo sa kanila na maraming mas magaganda mas, sexy sa ‘yo. Imposible namang walang insecurity ang mga tao,” turan niya.

Ikinuwento ni Assunta maraming pagbabago sa kanyang katawan kaya nararamdaman niyang nagkakaroon siya ng insecurity. “Siyempre, may mga changes, ten years ago, sasabihin ng mga tao, hindi raw ako nagbabago. Not every one can see me naked. Siyempre, napapansin ko na rin na my body is not in the right place anymore. Hindi pa naman ganu’n ka-drastic, darating din tayo du’n. May changes na rin like nu’ng 19, 20 ako. Kahit hindi ako mag-work out, okay lang dahil tight na tight ‘yung balat mo. Walang kang taba sa katawan. Hindi mo kailangang mag-diet.

ADVERTISING

“Actually, kailangan ko ngang kumain. Ganu’n talaga ang lahi namin, mapapayat, maliit ang buto so, nakatutulong naman. Tanggap ka ng family mo kung ano ang itsura mo. In fact, nagpapataba nga ako, panay ang gym ko. I need a body weight para ma-pregnant. Sobra akong underweight, inakyat ko kasi ang weight ko sa 120. Eight months ago, nag-start ako, I was 115, Hawaiian talaga. Hindi lang ako mag-dinner ng isang araw, pumapayat agad ako. Huwag lang sanang dumating na mag-one forty ako that something. Baka hindi na ako palabasin ng bahay ng asawa ko.”

Sabi nga ni Assunta, hihiwalayan siya ng asawa niya kung magpaparetoke siya. Hanggang ngayon naman alluring pa rin ang kaseksihan ng actress. Anong  parte kaya ng katawan niya ang gustung-gusto ni Congressman? “Mahilig siya sa matatangkad na malaman. Kaya nga nasabi ko, huwag sana akong umakyat ng 140 baka hindi na ako palabasin ng bahay. I’m not joking. Ganu’n ang mga type nu’n, matatangkad na may laman, ‘yun ang turn-on niya. Umakyat nga ako ng 130, ang pangit kong tignan sa TV, mukha akong baboy. Gusto niya, more pa ang timbang ko. Sabi ko, tama na, ang pangit kong tignan. Alam mo naman dito, plus 10 pounds,” tsika ng sexy actress.

Ibinahagi ni Angelica kung anong part ng katawan niya ang type ni John Lloyd Cruz. “Ayaw nu’n na nagkukuwento ako ng personal. Feeling ko ang lips ko, kasi lagi niyang kini-kiss.”

Marami ring sacrifice ang dalaga para ma-maintain ang sexy body nito. Kailangan talaga niyang magpataba para sa pelikula.

“Actually, sa totoo lang, ini-enjoy ko ang katawan ko habang ginagawa namin itong pelikula. Kung drama ito ang laking pressure ito para sa akin. Ang laki kong tignan, kailangan talagang mag-diet ako. Pero nang ginagawa ko siya, the more na nakikita ko ganu’n siya kataba, ini-enjoy naman namin. Hirap nga kaming kunan ang eksena kasi tawang-tawa kami like sa itsura ko. Siyempre, mahirap siya kasi ito ang trabaho ko. Marami akong dapat gawin tapos, naririnig mo ‘yung mga tao ‘yung mangement, sobra na. So kailangan mo talagang ibalik ‘yung ano, comeback to the young and beautiful. Kailangang ibalik ‘yung dating ikaw. ‘Yung itsura mong nagustuhan ng mga tao. Charming ka pa ring tignan. Maganda ka pa ring tignan sa paningin nila. Baka kung mataba ka, ilipat nila ‘yung channel. Iniisip ko rin ‘yung network, si Mam Charo (Santos).”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING