Angelica Panganiban at JM de Guzman, parang ‘di umaarte sa pelikula

Angelica Panganiban at JM de Guzman, parang ‘di umaarte sa pelikula

Angelica-Panganiban-JM-de-GuzmanBAGO PA man i-release ng Star Cinema ang pelikulang That Thing Called Tadhana na pinagbibidahan nina Angelica Panganiban at JM de Guzman ay napanood na namin ito. Totoo ngang maraming makare-relate sa pelikula lalo na ‘yung mga mag-jowa na “malabo” ang status ng kanilang relasyon.
Parehong magaling sina JM at Angelica sa movie. Actually, parang hindi nga sila umaarte, eh. Para ka lang nanonood ng dalawang strangers na nagkakilala, tapos naging magkaibigan na at naglabasan na ng kanilang mga hinaing sa pag-ibig.
Ang maganda pa sa movie, kahit ilang gabi silang nagsamang dalawa sa kanilang journey, hindi nagkaroon ng sexual encounter na usually ay nangyayari sa ibang kakikilala pa lamang. Aminin, usung-uso naman talaga ang one night stand, lalo na sa mga taong broken-hearted kapag may nakikilala silang bago.
Pero hindi naging ganu’n ang premis ng pelikula. Talk lang sila nang talk habang ini-explore nila ang iba’t ibang lugar sa Pilipinas at sa ending, natagpuan ni Angelica ang sarili niya na in-love pa rin sa boyfriend na ginagampanan naman ni Joem Bascon kahit na napakarami itong ginawang kapalkpakan sa kanya. Hay, ang pag-ibig nga naman.
Ang guwapo-guwapo ni JM sa pelikula kaya sana ay tuluyan na siyang makabalik sa pag-arte at totohanin na rin niya ang ipinangakong hindi na siya magda-drugs kahit kailan.

La Boka
by Leo Bukas