Angelica Panganiban, inilantad ang sinusuportahang kandidato

ADVERTISING

Angelica Panganiban, inilantad ang sinusuportahang kandidato

Angelica Panganiban
Angelica Panganiban

Dalawang photos ang inilabas ni Angelica Panganiban sa kanyang Instagram wall bilang pagsuporta kay Mayor Rodrigo Duterte. Ang isa ay coffee mug na may nakasulat na ‘Rod Duterte’.

“Walang krimen, walang magnanakaw, walang kababuyan kung ano ang mamumuno ng bansa natin ay hindi natatakot na ayusin at linisin ang Pilipinas. Babae ako at ang pangulo ko ay si Duterte,” say ni Angelica.

Ang ikalawang photo ay larawan ni Angelica Panganiban na may hawak siyang plastic cup na may larawan at pangalan ni Duterte. Tapos ay ikinuwento niya ang naging karanasan nang makita at makilala niya ng personal si Duterte.

“Bought the slurpee cup for 25 pesos. Kahit ubos na ang skurpee ng 7/11, makakuha lang ako ng #Duterte souvenir. Nawala ko siya bago ako umalis ng Bacolod.

ADVERTISING

“Pero sa hindi inaasahang pagkakataon ay nakita ko sila @indaysarahduterte, kilig na kilig ako.

“Nilapitan ako ng ibang staff magpa-picture raw sila Mayor Sara. Tumayo ako sa upuan at excited na makita sila. Masayang-masaya lang yung energy ng lahat.

“Inaya pa nila akong kumain kasama sila. Nahiya na lang ako. Kahit na gusto ko sila makausap at maipagmalaki na gustong-gusto ko si Duterte.

“Para ko silang long lost friend .Ibinabahagi ko lang ang experience ko kasama ang pamilya at supporters ni Mr Duterte. Sa sandaling ‘yun lalo akong humanga sa kanya, to think na lahat ng kasama niya ay volunteers lang, walang bayad.

“At sa sandaling un nakakuha ako ng mug. Nakakatawa man pero masayang-masaya ako. Wala pang 24 hrs ibinalik na sa akin ‘yung nawala kong cup from 7/11 and this time, galing mismo kina Duterte.”

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING