Angelica Panganiban, ibinahagi ang mga natutunan niya sa pagbubuntis

MARAMI ang natuwa nang ibalita ng award-winning actress na si Angelica Panganiban na siya’y buntis. Lalong ikinatuwa ng kanyang mga kaibigan at tagahanga na sa wakas ay nakahanap na ito ng katuwang sa buhay sa katauhan ng non-showbiz partner nito na sa Gregg Homan.

Angelica Panganiban, ibinahagi ang mga natutunan niya sa pagbubuntis
Meryll Soriano and Angelica Panganiban

Sa latest vlog ng fellow child star turned award-winning actress na si Meryl Soriano, matagal na raw sila sumusubok ng kanyang partner na magkaanak. Mga close friends lamang ng magkasintahan ang may alam nito.

“May mga doctors kami na kinakausap, may mga pinainom na vitamins. Pagdating ng September 2021, last year, medyo napanghinaan na ako ng loob,” pag-amin ni Angge (palayaw ni Angelica).

Nagbago rin daw ito ng lifestyle. “Kung ano ang lifestyle mo noon tinalikuran mo. Wala kang bisyo, wala kang alak, wala kang puyat. Parang walang nangyayari so sige sabi ko i-relax ko na lang.”

Dahil dito, nagdesisyon si Angge na magrelax muna nang i-celebrate nito ang kanyang birthday noong November 2021 at pati ang Holiday season. Before that ay naging busy din si Angelica sa paggawa ng dalawang digital series. Ang dapat din ay sasalang siya sa isang locked-in taping para sa reunion project sana nila ni Piolo Pascual na ‘My Papa Pi’, kung saan si Pia Wurtzbach ang pumalit sa kanya.

Inamin din ni Angge na matagal na niya gustong bumuo ng sariling pamilya.

“Magmula siguro noong mga 25 years old ako, hanggang nalaman kong adopted ako, tumatak na ‘yun sa isip ko na parang sana ang ibalik naman sa akin ni God. Isang araw magkaroon rin ako ng pamilya.”

Hindi rin nito tinanggi na talagang nasasaktan siya tuwing hinihiwalayan siya ng mga past boyfriends niya.

“Every time na nagmamahal ako, nagkakaroon ako ng mga jowa, iniisip ko na ‘yun na parang ito kaya ‘yung makakasama ko? Magkakaroon ako ng pamilya sa taong ‘to? And then hindi. So kasama ‘yun, kasama lagi yun sa sakit na nararamdaman ko.”

Umabot na rin sa punto na binalak ni Angge na magpa-freeze ng kanyang eggs.

“Ang tagal kong naging single. So dumating na ako sa point ng magpapa-freeze ng eggs, ganyan. Ang dami na ring mga options na sinubukan dahil parang trinopa ko doon si God e sa moment na ‘yun. Na hindi God, ‘di ba ibibigay mo ‘to sa akin. Alam ko ibibigay mo ‘to sa akin.”

 

Na-realize naman ni Angge na natupad ang kanyang dasal na magkaanak sa tamang oras at sa tamang tao.

“Pinakamaganda sigurong nagawa ko is ‘yung kumalma ako. Noong hindi ko kinulit yung universe, ‘yung hindi ko kinulit si God. Hinayaan ko siya na ibigay niya kasama ang tamang tao, kasama ang tamang pagkakataon.”

“Naniniwala ako na kanyang-kanyang panahon yan. Kanya-kanyang timing sa pagbibigay ng magandang blessing sa atin.” pagtatapos ni Angge.

Previous articleTMI: Heart Evangelista, naging dyowa lahat ng naka-one night stand
Next articleKris Bernal may realizations sa kanyang 33rd birthday