Angelica Panganiban, hugot na hugot sa concert ni Adele

ADVERTISING

Angelica Panganiban, hugot na hugot sa concert ni Adele

Hugot kung hugot ang Kapamilya actress na si Angelica Panganiban na halos mapaiyak sa mga emosyonal na kanta ng singer-songwriter na si Adele. 

Angelica Panganiban, hugot na hugot sa concert ni Adele
Angelica Panganiban

Kamakailan ay nanood si Angelica ng concert ni Adele at hindi umano niya napigilang maging emosyonal sa mga kantang inawit ng kanyang idolo.

Bumiyahe pa patungong Australia si Angelica para manood ng concert ni Adele. Kasama niya roon ang kanyang close friend na si Direk Andoy Ranay, na kadalasan ay kasama rin niya sa tuwing nanonood ng volleyball games ng Ateneo.

Masayang-masaya si Angelica habang pinanonood ang idolong si Adele. Sabi ng actress sa kanyang Instagram post patungkol kay Adele, “Isa kang himala! Isang simpleng pangarap. Madalas kitang pakinggan sa plaka. Manood ng mga kwento mo. Umiyak at tumawa kasabay mo. Salamat! Habambuhay na ang koneksyon na meron ako sa ‘yo. Sapat! Sulit! Salamat, Ate Adele!”

ADVERTISING

Dugtong pa ng Hugot Queen, “Isa kang henyo, mahusay at mabuting tao. #AdeleSydney From PH to Sydney just to witness your awesomeness, Ninang Adele.”

ADVERTISING