Angelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

ADVERTISING

Angelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

Angelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

UMABOT NA ‘ata sa sukdulan ang pagpapasensya ni Angelica Panganiban sa nangyayari sa kanyang mga proyekto sa bakuran ng Dos, huh?

Marami ang nakakapansin sa madalas na pag-overtime ng programang Pinoy Big Brother tuwing Sabado ng gabi. Ang ending, halos Linggo na nang umaga napapalabas ang sexy-comedy show na Banana Split, ang nag-iisang existing show ni Angelica ngayon sa ABS-CBN.

Alam nyo ba kung ano ang meron pag saturday night? Hindi sunday morning ha :)”. Karamihan sa mga followers nito ay nakuha ang punto niya sa kanyang ‘sarcastic’ tweet.

ADVERTISING

May mga tagahanga rin ang sexy actress na dismayado sa biglaang pagkansela ng Alta, ang teleseryeng sana’y pagsasamahan nila nina Gretchen Barretto at KC Concepcion. Very vocal si Greta sa pagsabi na hindi niya nagustuhan ang biglaang pag-shelve sa proyekto, samantalang tikom lang ang bibig ni KC Concepcion.

Naku, baka biglang mag-Rubi mode itong si Angelica kung patuloy pa ang mga problema sa mga programang sinasamahan n’ya, huh?!

 

LJ Reyes, kering-keri ang titulong ‘Hot Momma’!

 

MULI NA namang nagbu-yangyang ng katawan ang Starstruck II graduate na si LJ Reyes para sa panlalaking magazine.

Matatandaan na una niyang ipinasilip ang kanyang alindog sa FHM Magazine ilang buwan bago nito ibinunyag na siya’y nagdadalang-tao sa anak nila ni Paulo Avelino. Ngayon ay sa Playboy Magazine naman ito nagpa-kitang-gilas at swak na swak na sa kanya ang titulong ‘hot momma’.

Ayon sa aktres, very flattered siya sa bagong bansag sa kanya. Ang ibig sabihin daw nito ay hindi siya ‘losyang’. Dapat nga naman na hindi gawing excuse ang pagiging ina para tamarin sa pag-aayos at pagpapa-seksi, ‘noh!

Ano kaya ang sey ni Paulo Avelino rito, na kinailangan ding magpakita ng ka-kisigan bago mapansin ng Kapamilya Network?

Mukhang determinado talaga sina Paulo at LJ na mairaos ang kanilang binuong pamilya, huh! ‘Yan ang mga dapat tularan! Mga seksi na, responsable pa! Pak!

Angelica Panganiban, hindi na maitago ang pagkadismaya sa dos!

Gwen Zamora, kinukuyog ng Dennis-Glaiza fans sa Twitter!

 

BIDA NGAYON sa horror movie na The Witness si Gwen Zamora, pero sandamakmak na horror tweets din pala ang natatanggap niya sa totoong buhay!

Kontrabida sa Biritera ang Kapuso beauty bilang Iris, ang die-hard fan turned possessive girlfriend ni Andrei, na ginagampanan ni Dennis Trillo. Marami ang natutuwa at naiinis sa love triangle nila sa programa bilang sina Andrei, Iris at Mikaela.

Imbes na magalit, may bahid ng pagkatuwa para kay Gwen sa tuwing nakakatanggap siya ng hate tweet. Ang ibig lang sabihin nito ay epektibo ang kanyang pagganap sa programa.
Show Twitz
Pinoy Parazzi News Service

ADVERTISING