Angelica Panganiban, gusto nang makipag-ayos kay Angel Locsin!

ADVERTISING

Angelica Panganiban, gusto nang makipag-ayos kay Angel Locsin!Angelica Panganiban, gusto nang makipag-ayos kay Angel Locsin!ISANG RESIDENTE mula sa Greenmeadows exclusive subdivision sa Pasig City ang nagtsika sa amin na minsan daw ay tumingin doon ng isang for sale na house and lot ang leading man ni Sarah Geronimo sa It Takes Man And a Woman na si John Lloyd Cruz.

Ang alam namin ay dalawa na ang ipinatayong magarang bahay ni JLC sa Vermont Park Subdivision sa Marcos Hi-way sa Anitpolo City para sa kanyang buong pamilya. Nagpatayo rin daw ito ng ilang pinto ng paupahang apartment sa Pasig, kung saan ang isang unit ay ibinigay raw nito sa kanyang personal assistant o PA na si Pip o Tirso Cruz na kapangalan talaga ng veteran actor na si Tirso Cruz III.

Nang tignan daw ng mahusay na aktor ang nagustuhang bahay sa Greenmeadows ay kasama nito ang kanyang girlfriend na si Angelica Panganiban.

Tumatagin-ting na P120-M daw ang halaga ng gusto sanang bilhing bahay at lupa ni Lloydie. Ngunit P80-M lang daw ang nakalaang budget nito, kaya hindi na muna raw natuloy ang pagbili ng aktor ng bagong bahay sa isang high-end subdivision.

 

ADVERTISING

SPEAKING OF Angelica Panganiban, nakita namin ito two Tuesdays ago na kasama ang isa sa business unit heads ng comedy department ng Kapamilya Network na si Cynthia “Mama Bear” Jourdan na lumabas mula sa studio sa ABS-CBN kung saan nagte-taping for her sitcom na Toda Max ang tinanghal na Best Actress sa 29th Star Awards for Movies recently na si Angel Locsin.

Matatandaan na nagkaroon ng issue between them dahil daw sa sabunutan at sampalan scenes sa kanilang pinagsama-hang pelikula na One More Try. Sa grand presscon pa lang ng nasabing movie ay kapansin-pansin na hindi nagkikibuan sina Angelica at Angel hanggang sa ganapin ang joint victory party ng One More Try at Sisterakas sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Napag-alaman namin na nais daw batiin nang personal ni Angelica si Angel sa pagkapanalo nga ng huli ng Best Actress dahil sa mahusay na pagganap nito sa One More Try. Pero kasalukuyang nagte-take para sa isang eksena si Angel, kaya hindi sila nagkita at nagkausap ni Angelica. Dumiretso na lang daw sa kanyang Banana Nite taping si Angelica sa ibang studio inside ABS din.

Bago pa ang pagdalaw ni Angelica sa set ng Toda Max, nabalitaan namin na gusto raw nitong makipag-usap kay Angel para siguro magkaayos sila.

 

NABALITAAN NAMIN last week na nakatakdang lumabas sa cover ng men’s magazine na FHM ang asawa ni Cesar Montano na si Sunshine Cruz para sa buwan ng April o May.

Seksing-sexy at maganda pa rin naman si Shine ngayon, kahit tatlo na ang anak nila ni Buboy na pawang mga babae. Kaya talaga namang cover material pa rin ang beauty nito!

Kung true man ang paglabas ni Sunshine sa front cover ng nasabing men’s magazine, hindi lang namin alam kung may basbas o alam kaya ito ni Cesar, at kung kinailangan pa bang magpaalam ng una sa huli dahil alam naman ng lahat ng tao mula sa loob at labas ng showbiz ang nangyaring sigalot sa pagitan ng mag-asawa kamakailan lang.

Kagabi ay nag-post si Sunshine ng ilang pictures nito mula sa isang kakatapos lang na pictorial sa kanyang Facebook account. Iyon nga kaya ang cover shoot nito for FHM?

Ano kaya ang masasabi ni Cesar dito at ng starlet na si Krista Miller na naging dahilan diumano ng hiwalayan nila ni Sunshine?

Nakarating din sa amin na naka-takda rin daw sanang mag-pictorial si Krista for FHM cover for one of its summer issues, pero ayon sa aming reliable source, kinansela bigla diumano ng FHM ang booking sa kanya. Nalaman na lang daw ng baguhang sexy actress na si Sunshine na raw ang naka-lineup for the cover shoot.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING