Angelica Panganiban, game gawin ulit ang ‘DUKOT’ scene nila ni Derek Ramsay!

ADVERTISING

Angelica Panganiban, game gawin ulit ang ‘DUKOT’ scene nila ni Derek Ramsay!Angelica Panganiban, game gawin ulit ang ‘DUKOT’ scene nila ni Derek Ramsay!DAPAT SANA, e, naka-blind item ang bida sa item na ito pero dahil hindi pa naman siya sikat, e, papangalanan na lang namin si Bella Padilla, ang pamangkin ng action star na si Robin Padilla.

Nu’ng hindi pa siya nag-a-apply sa Party Pilipinas, e, Krista Solivan ang kanyang screen name. Pero ngayon, she preferred to use Padilla as her last name para magkaroon daw ng recall ang kanyang pangalan.

Usap-usapan kasi ngayon sa production ng Party Pilipinas ang stage mother at ang pagiging bully ng ina ni Bella.

Nasa channel 5 pa noon si Bella nang may tinakot-takot na baguhang artista ang kanyang ina sa set ng Loco Moko High. Bukod sa literal na pananakot, e, pinersonal pa niya nang todo ang neophyte female star na feeling niya ay threat sa kanyang anak.

Naalala namin ito dahil may nakapagsabi sa amin na umandar na naman daw ang napakasamang ugali na ito ng ina ni Bella.

ADVERTISING

Last week, nag-brainstorming daw ang production ng Party Pilipinas sa kanilang line-up pero nang naamoy raw ng ina ni Bella na walang plan ang mga staff sa birthday ng kanyang anak, e, bigla raw niyang tinawagan ang isa sa mga executives ng show para sabihin na kailangang bigyan ng importance ang kaarawan ng dalaga sa kanilang show.

Okay na raw sana ‘yon pero nag-dialogue pa raw ang mother sa dulo ng, “…or else…”

Ganu’n? Ano ang balak gawin ng ina ni Bella kung sakali? Tatakutin na naman niya ang mga taga-production ng channel 7 gaya ng kanyang ginagawa noon sa channel 5?

Kung true man ang ginawa na ito ng mommy ni Bella, sana, e, maubos na sa earth ang ganitong klaseng mga tao na narrow minded at may crab mentality.

ONCE UPON A time, e, sumikat si Aya Medel sa showbiz. Nabansagan pa nga siyang Papaya Queen dahil sa kanyang malalaking boobies, hendehvah?

Nag-Japan, yumaman at nagkaroon ng club sa Makati si Aya. Pero true ba na lately, e, medyo naba-bankrupt na ang dating sex siren?

Naibenta na raw niya ang kanyang club sa Makati, pati na rin ang kanyang mga properties na naipundar.

Bukod du’n, may nakapagsabi rin sa amin na nag-a-apply ulit si Aya sa mga clubs sa Nagoya, Japan para makapag-start ulit at maka-recover.

Kung totoo ito, nakapanghihinayang dahil nagkadatung na nang todo ang dating Papaya Queen. Tsk, tsk, tsk!

WHEN ANGELICA PANGANIBAN was asked sa press conference ng Here Comes The Bride kung gagawin ulit niya ang controversial act na “dukut crotch” sa kanyang Papa Derek Ramsay, walang kagatul-gatol na, “why not?” ang kanyang sagot.

Oo nga naman. Come to think of it. May relasyon, may commitment at nagmamahalan ang dalawa. We consider the “dukot crotch” act na isa sa mga private lambingan ng dalawa na lumaki lang nang todo dahil nakunan at nai-front page ito sa Pinoy Parazzi.

Hindi tayo aware pero baka mas matinding “lambingan” pa ang nangyayari kina Angelica and Derek kapag wala talagang nakakakita sa kanila, hendehvah? Anyway, they are both lovers, kaya why not talaga.

Siguro lang, next time na gagawin ni Angel ang “dukut crotch” act, e, sisiguruhin niya nang todo na walang photog sa paligid para hindi na ito maging national issue. He-he-he!

For reactions, please e-mail mediatouch2000@yahoo.com

Sour-MINT
by Joey Sarmiento

ADVERTISING