Angelica Panganiban, ‘di type makatrabaho si John Lloyd Cruz

ADVERTISING

Angelica Panganiban, ‘di type makatrabaho si John Lloyd Cruz

Angelica-Panganiban-John-Lloyd-CruzHINDI NAMAN nagmamadali itong si Angelica Panganiban na magpakasal kay John Lloyd Cruz.

“Doon naman talaga pupunta ang lahat kung iyon ang nakatadhana sa akin. I think mangyayari na lang siya kung sa tingin ko o ng tadhana na ready na ako,” say ng dalaga sa presscon ng Banana Sundae. The gag show was moved to Sunday beginning this month.

Ayon sa aktres, wala pa sila sa seryosong pag-uusap ni John Loyd about marriage.

“Hindi. Wala. May assurance naman na solid kami pero sa ngayon ang saya pa ng takbo ng career. Ang daming akala ko hindi ko magagawa. Puwede pala akong maging nanay ng 19 years old. Parang, ano, eh, nakakabigla ang mga nangyayari nowadays so parang hindi mo mape-predict (ang mangyayari). So ngayon, kung ano ang ibinibigay sa akin ngayon ay talagang ibinibigay ko ang one hundred percent ko sa trabaho. Ganoon din naman siya, kasi sayang naman ‘yung opportunity na palalagpasin namin. I’m sure ‘yung mga ganyang bagay ay makapaghihintay, pero ‘yung chance na makapag-portray ka ng mga pinapangarap mong roles, kasi siyempre hinihingi ay single ka… so, parang okay pa naman,” chika ng dalaga.

ADVERTISING

Nakakaloka itong si Angelica, hindi pala niya type makatrabaho si Papa Lloydie.

“Siguro napag-uusapan namin kung comedy kasi ‘yung team ng “Home Sweetie Home” tinatanong nila kung gusto kong mag-guest. Sabi ko hindi ko pa kaya. Pero itong lately, sabi ko hindi ko alam. Parang kino-consider ko na siya, pero ang feeling ko parang sablay talaga. Hindi ako makagagalaw.”

Since she turned a year older last November 4, natanong ang aktres about her birthday wish.

“Personal wish? Parang sa ngayon kasi sobrang okay ng lahat. Parang maayos ang health ng buong pamilya ko, ang mga kaibigan ko. Kung puwede lang na magtuluy-tuloy ‘yung meron ngayon. ‘Yun lang talaga ang wish ko. Gusto ko lang maging masaya, makapagtrabaho, at the same time makapagpahinga pa rin.”

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING