Angelica Panganiban, ‘di naliligo ‘pag broken-hearted

Angelica Panganiban, ‘di naliligo ‘pag broken-hearted

Angelica-PanganibanNAKAKATUWANG KAUSAP si Angelica Panganiban dahil wala itong kiyeme at prangka. Sa grand presscon ng That Thing Called Thadhana movie na pinagsamahan nila ni JM de Guzman, diretso at walang paliguy-ligoy niyang sinagot ang mga katanungang personal ng press.

Istorya ng dalawang nilalang na kapwa broken-hearted na ‘di sinasadyang magkita sa isang lugar para makalimot ang nasabing movie na idinirek ni Antoinette Jadaone na ire-release ng Star Cinema sa mga sinehan on Feb 4.

Tamang-tama naman sa character nina Angelica at JM ang istorya dahil kapwa broken-hearted ang dalawa nang gawin nila ang movie. Kaya naman relate na relate ang dalawa, lalo na si Angge na inamin sa presscon na para siyang hindi umaarte sa mga eksena.

Tinanong tuloy si Angge kung paano niya nalampasan ang kalungkutan nang maghiwalay sila ni Derek Ramsay.

“Masakit. Talagang ininda ko. Iniyakan ko nang ilang araw. Nandoong pagkagising ay umiiyak pa rin ako. Hindi na ako naliligo dahil sa kaiiyak. Mabuti na lang nandiyan ang mga kaibigan at magulang ko na laging nakaagapay sa lahat ng problema ko.

“Pero kailangang mag-move-on. Unti-unti ang ginawa kong lunas. Hanggang sa tuluyan nang naghilom ang sugat sa aking puso,” kuwento ni Angelica.

Ngayon ay masaya na siya muli dahil may lalaking nagmamahal na sa kanya. Kung sakali naman daw na yayain na siya ng guy na magpakasal, ayaw na ayaw niya na may nakatutok na camera.

“Gusto ko kapag nag-propose siya ay kami lang para sincere talaga. Walang tao nakapaligid sa amin. ‘Di sa minamasama ko ang ginagawa ng iba kapag nagpo-propose. Sinabi ko ito sa kanya kapag nag-propose siya sa akin. Pero kung anuman… okey na rin basta mag-propose siya,” natatawang say ni Angelica.

Samantalang inamin naman ni JM na siya raw ay laging broken-hearted. Sa tatlong naging girlfriend daw niya, siya ang laging hinihiwalayan. Siguro raw ay sobrang pagmamahal na ibinibigay niya ang dahilan kaya siya laging broken-hearted, in short ay baka raw nasasakal ang girl sa kanya.

Ito rin ang cameback movie ni JM matapos siyang lumabas sa pagamutan. Nagpasalamat siya sa Star Cinema dahil binigyan pa siya ng pagkakataong makabalik sa showbiz.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo