Angelica Panganiban, ‘di makawala sa anino ni Derek Ramsay

ADVERTISING

Angelica Panganiban, ‘di makawala sa anino ni Derek Ramsay

Angelica-PanganibanTALAGA NAMANG ang isa sa naging dahilan ng paghihiwalay nina Angelica Pananiban at Derek Ramsay ay ang pagkakadiskubre ng magandang aktres na ang hunk actor pala ay mayroon nang babaeng pinakasalan at mayroon ngang anak. Hayan na ang matinding pinagdaraanan ngayon ng karelasyon ni John Lloyd Cruz, na habang isinarado na niya ang kuwento ng relasyon nila ni Derek, makakaladkad pala ngayon ang kanyang pangalan sa mga usapin sa husgado ng dating mag-asawa.

Nagpapakatag lang siyempre ngayon si Angelica, dahil nananahimik na nga siya. Matagal na siyang hindi pumapatol sa mga isyung may kinalaman sa dating relasyon nila ni Derek. Bumulaga na lang ang balita tungkol sa kasong concubinage na isinampa ni Mary Christine Joy laban kina Angelica at Derek. Kaya marami ang nalulungkot para kay Agelica, dahil dalawang taon na siyang kumawala sa nasabing relasyon, pero hayan at kinakalampag siya ng tungkol sa nasabing isyu ngayon.

Very supportive naman siyempre si Lloydie sa kontrobersiyang kinasasangkutan ngayon ni Angelica. Marami ang nagdarasal para kay Angelica tungkol sa isyung kinasasangkutan niya ngayon, dahil hindi naman malihim ang aktres noon pa tungkol sa kanyang lovelife. Mula kay Carlo Aquino hanggang sa paghihiwalay nila ni Derek, hindi nahiyang umiyak si Angelica kapag may malungkot siyang dinaraanan sa pakikipagrelasyon.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING