Angelica Panganiban, ‘di makapaniwalang ka-tie si Nora Aunor sa best actress award

Angelica Panganiban, ‘di makapaniwalang ka-tie si Nora Aunor sa best actress award

Angelica-PanganibanHINDI MAKAPANIWALA si Angelica Panganiban na naka-tie niya si Nora Aunor for best actress for Gawad Tanglaw. Nagwagi si Angelica sa That Thing Called Tadhana, si Ate Guy naman ay sa Dementia.

Earlier, Angelica won best actress for the 2014 Cinema One Originals.

“Ang tanga-tanga ko talaga. Akala ko nominated kami, hindi ko alam na kapag Gawad Tanglaw panalo na kaagad. ‘Di ba, gano’n ang Gawad Tanglaw?” say ni Angelica during the presscon for That Thing Called Tadhana na ipalalabas na sa February 4.

“Ang tanga ko talaga. Kinongratulate ako ni direk. Sabi ko naman thanks. Tapos nag-text ako, ‘sandali, panalo ba ako?’ Akala ko kasi ay parehas kaming nominated kasama ng iba pang mga artista. Sabi niya, ‘oo, panalo ‘yon.’ Tapos sila Maja (Salvador), ‘ang tanga mo naman. Parang unang post mo pa lang alam na namin na panalo ka.’ Hindi ako talaga makapaniwala, ang tagal talaga. Ang tagal bago ko ma-absorb,” chika pa niya.

Ang maging co-nominee ni Ate Guy ay isang malaking honor na para sa aktres at napakalaking bonus na ang maka-tie ito for best actress at “lagi ko ngang sinasabi ‘di ba, kapag kalaban mo si Ate Guy, okay na, ibigay mo na kay Ate Guy. ‘Wag ka nang umasa.”

Talagang may innate talent pala si Angelica for comedy. Hit na hit ang hirit nitong patawa lalo na nu’ng may magtanong kung ano ang sasabihin niya kay Ate Guy sa Gawad Tanglaw.

“Walang himala. Puwede ‘to. Ate Guy, totoo ‘to,” say ni Angelica.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas