Angelica Panganiban, binuweltahan ang netizen na tumawag sa kanyang “maldita”

Angelica Panganiban's Tweet
Angelica Panganiban’s Tweet

Kaagad na binuweltahan ni Angelica Panganiban ang isang netizen na nangngangalang Xhainelle Perez na nakipag-selfie sa kanya at pagkatapos ay tinawag siyang “maldita” sa caption ng Facebook post ng nasabing netizen.

Sa twitter account ng Kapamilya actress, ipinot niya ang screencap ng FB status ng nasabing netizen at nilagyan niya ng caption na: “Ay… Sorry ate ha? Pinagtyagaan mo ko. Sige. Ganito na lang. From now on. D na ko papayag magpapicture kahit kanino”

Ikinumpara rin ni Angelica Panganiban ang treatment ng mga celebrity sa Pilipinas at sa abroad. Aniya, “Mabuti nga dito sa Pinas, pwede kayo magpapicture sa artista. Kahit private time namin, kalerks.”

Tweet pa ni Angelica Panganiban bilang advice sa nasabing netizen, “Payong kaibigan… Kapag nag hi at ngumiti sayo ang idol mo. Be thankful. Dahil thankful din kami sa simpleng pagbati nyo. #WagAbusado,”

Samantala, humingi na ng paumahin ang nasabing netizen na ipinost niya sa kanyang Facebook. Hindi raw siya nagpapasikat gaya nang akusasyon sa kanya ng ilang netizen. Hiniling din niya na i-share ang kanyang ‘apology’ sa halip na ang litrato at umaasang makarating kay Angelica ang paghingi niya ng ‘sorry’.

Xhainelle Perez' apology
Xhainelle Perez’ apology

By Parazzi Boy