Angelica Panganiban at Shaina Magdayao, mayroong silent war?!

ADVERTISING

Angelica Panganiban at Shaina Magdayao, mayroong silent war?!Angelica Panganiban at Shaina Magdayao, mayroong silent war?!

MAGTATAPOS NA raw next month ang soap opera ni Marian Something.

Ang chika, hanggang first week of April na lang ito. Many are asking kung wala na ba itong extention considering the fact na ito lang yata ang nagre-rate na teleserye sa GMA-7.

Panipis na ba nang panipis ang storyline nito kaya it would be impossible to extend this?

O baka naman aminado na ang number two network na no matter what they do ay hindi talaga nila ito mapare-rate nang husto katulad ng soap nina Coco Martin (Juan dela Cruz), Kim Chiu at Maja Salvador (Ina, Kapatid, Anak) o Angelica Pa-nganiban, Piolo Pascual and Diether Ocampo (Apoy Sa Dagat) na talaga namang ang taas-taas ng ratings.

ADVERTISING

Incidentally, ang daming bashers ang nag-comment sa last item namin about Marian. It was as if naroroon sila sa taping at alam na alam nila ang nangyari.

At talagang meron pa silang ipinost na reaction daw ni Direk Jeffrey Jeturian na halatang inimbento lang naman.

Well, this one’s for you Marianita fans. Alam n’yo ba na eight voting members lang ang bumoto sa nakaraang award’s night na nagpanalo sa inyong idolo? Yes, eight voting members lang out of the 23 members ang nagkaroon ng time na mag-review ng lahat ng entries. Madugo ang review sessions at straight na six hours ang inaabot nito kaya iilan lang ang merong time para mag-review.

Kaya magpasalamat kayo sa eight voting members dahil kundi sa kanila ay hindi magkakaroon ng best actress award ang idolo n’yo.

Actually, mas magaling si Marianita sa latest soap niya na adaptation ng Koreanovela. Mas dapat siyang manalo roon kaysa sa Amaya. Kaya lang, next year pa ang labanan para roon.

 

Angelica Panganiban at Shaina Magdayao, mayroong silent war?!WILL THERE be a two-part silent war between Angelica Panganiban and Shaina Magdayao?

Meron kasing kumakalat na chismis na Angelica was booted out of the movie which will also star Angel Locsin and Bea Alonzo.

True kaya ito? At bakit naman kaya aalisin si Angelica when she proved her box-office mettle sa last movie niya na na-ging number two sa box-office sa nakaraang Metro Manila Film Festival?

At true rin ba na si Shaina na ang kanyang kapalit?

Teka, hindi ba’t nagkaroon ng iringan between Angelica and Angel during the shoot of their MMFF movie last year. Could it be the reason kaya the management decided na ‘wag na munang pagsamahin ang dalawa?

 

NOW SPORTING a short hairdo, nagmukhang lalaking-lalaki na itong si Charice.

Hindi na kami nagtaka sa lu-mabas na comment sa Twitter na meron daw nakakita na hindi pinapasok si Charice ng guard ng isang network. Hindi kasi nakilala si Charice ng guwardiya.

Apparently, nakipagtarayan si Charice at nagkasagutan sila ng guwardiya.

With her new hairdo ay marami ang nakapansin na tila hawig si Charice kay Daniel Padilla. Meron ding nag-react na ginagaya niya ang pose ni Justin Bieber sa isang photo niya na lumabas sa internet.

 

BLIND ITEM: This young female star is a Maniac Clara.

Kasi naman ay siya pa raw ang nag-i-initiate na magdyug sila ng kanyang boyfriend. At wala raw itong pinipiling lugar. Kung saan siya masumpungan ng kati ay doon niya ito ginagawa.

Ang nakakaloka pa, sobrang kiss and tell ang hitad. She’s telling her friends kung sino ang dakila castro at kung sino ang dyuts sa kanyang mga nagiging dyowa, kung sino ang magaling at kung sino ang below sea level ang performance.

Actually, hindi na kailangan ng young star ang magaling na sex partner dahil siya na madalas ang tumatrabaho.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING