Angelica Panganiban at Shaina Madayao, nag-isnaban sa isang pictorial?!

ADVERTISING

Angelica Panganiban at Shaina Madayao, nag-isnaban sa isang pictorial?!

Angelica Panganiban at Shaina Madayao, nag-isnaban sa isang pictorial?!MAY MGA tao talagang walang magawa sa Facebook. Pati ang kanilang kagagahan at kabobohan ay ikinakalat nila.

ADVERTISING

Just recently ay nakita namin ang video entitled “Dolphy Died at the Age of 83”.

Undoubtedly, isang idiot ang gumawa at nagpakalat noon sa Facebook. Halatang wala siyang magawang maganda sa kanyang buhay.

Sa halip na isang video na nagsasabing ipagdasal natin ang Comedy King para malagpasan niya ang kanyang critical na condition ay isang walang kuwentang video ang ipinakalat niya.

ADVERTISING

But it seems that Dolphy’s prayer warriors are being heard. Mas bumubuti na raw ang kalagayan ng komedyante.

Ano ang nakuhang reaction ng nag-post sa Facebook na namatay na si Mang Dolphy? Ano pa kundi puro mura at panlalait. Not surprisingly, lahat ay galit sa kanya at puro masasamang salita ang kanyang natanggap.

Talagang sandamakmak na lait at mura ang comment ng maraming fans ni Mang Dolphy. Kung nakamamatay nga ang mura ay malamang tigok na ang gumawa ng video na iyon.

 

NAG-ISNABAN DAW sina Angelica Panganiban and Shaina Magdayao sa pictorial ng isang magazine na nagtatampok sa Star Magic artists.

Shaina chose to stay in one corner daw in an attempt to avoid Angelica. Tahimik lang daw ito sa isang tabi at halatang umiiwas na magkasalubong sila ng ex-girlfriend ni Derek Ramsay.

Si Angelica naman ay full of energy raw. She was in her usual ma-chika self and she was caught bantering with some of her co-Star Magic talents.

Until now ay naniniwala si Shaina na malaki ang kaugnayan ni Angelica sa kanilang break-up ni John Lloyd Cruz. She believes that the rumors between Angelica and Papa Lloydie are true after all, the reason why she initiated the split.

Naniniwala kasi siyang malaki ang kinalaman nito sa kanilang break-up.

Angelica Panganiban at Shaina Madayao, nag-isnaban sa isang pictorial?!

Until now ay hindi pa rin matapos-tapos ang issue kina Angelica at Papa Lloydie. Hindi man sila umaamin sa kanilang relasyon ay wala naman silang denial talaga. Puro pahapyaw lamang ang pagsagot nila sa mga issue sa kanila.

Isa pa, sightings of them together were also reported, which somehow give value to the rumors.

Ang sabi sa amin, hindi pa raw handang umamin ang dalawa sa kanilang relasyon. It’s too soon daw, kasi nga naman they just came from a failed relationship.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING