Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, ‘di raw totoong hiwalay na

Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, ‘di raw totoong hiwalay na

Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz, ‘di raw totoong hiwalay naAlin ba ang totoo? Hiwalay na ba sina Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz?

Recently, habang nasa Berlin International Film Festival si Lloydie, pumutok ang balita na slipt na ang dalawa after how many years.

Sa katunayan, may assumption ang marami na ang dahilan ng split-up ng dalawa ay ang tungkol sa “kasal” na matagal nang inaasam-asam ng aktres.

Sa kainitan ng split-up, walang nagsalita sa dalawa. Quite lang sila.

Si Angelica Panganiban, lumarga papuntang Bali (Indonesia) at doon nagpakasaya kasama ang mga kabarkada at ang kaibigang si Coring, ang favorite manghuhula ni Madam Claudia sa “Pangako Sa ‘Yo” na si DJ Jai Ho ng MOR 101.9.

Si John Lloyd Cruz naman, walang kumpirmasyon kaya ang lahat ay nganga kung ano ba talaga ang estado ng dalawa.

Ayon kay Jai Ho, hindi totoong break na sina Angelica at Lloydie. Kung inaakala ng marami na natuluyan ang hiwalayan ng dalawa, panigurado ng BFF ni Angelica: “Hindi sila hiwalay.”

Sa kasalukuyan, mukhang ceasefire muna ang tsika tungkol sa hiwalayan nina Angelica at Llyodie habang ang aktor naman ay abala sa promotion ng kanilang pelikula ni Piolo Pascual na “Hele sa Hiwawang Hapis” na ipalalabas na sa Sabado de Gloria.

Dagdag pa ni Jai Ho, “‘Yong sinasabi nila kaya nagpagupit ng hair niya si Madam (Angelica) dahil sa isyung hiwalayan, dati nang maikli ang hair niya. Matapos ‘yong continuity ng karakter niya as Madam Claudia, go siya kay Ms. Ruby (Tubig) ng Salon de Manila pata ipa-trim ang mga dulo ng hair niya dahil naiirita siya at nangangati ang leeg niya. Halos pareho sila ng iksi ng hair ni Ms. Jodi (Sta. Maria).”

“Pero sa bagong hairstyle ni Madam, nagpalagay siya ng streak para may highlight and for a change,” kuwento pa ni Jai Ho sa amin.

Reyted K
By RK VillaCorta