Angelica Panganiban at Dingdong Dantes, muling magsasama sa pelikula

ADVERTISING

Angelica Panganiban at Dingdong Dantes, muling magsasama sa pelikula

Angelica Panganiban, Direk Maryo J. Delos Reyes, and Dingdong Dantes
Angelica Panganiban, Direk Maryo J. Delos Reyes, and Dingdong Dantes

Pangalawang pagkakataon na magsasama sa isang pelikula sina Angelica Panganiban at Dingdong Dantes sa pelikulang “The Unmarried Wife” ng Star Cinema na showing na sa November 16.

Kasama rin nila sa obra ni Maryo J. delos Reyes si Paulo Avelino na sa kuwento ay ka-love triangle malamang.

Sina Angelica at Dingdong, nagsama sa pelikula nila noon with Angel Locsin.

I’m sure interesting ito sa mga manonood ng pelikulang Pinoy na mahilig sa love triangle movies.

ADVERTISING

In fairness, mga cuties ang makakapareha ni Angelica sa sa movie. Mga yummy na pantasya ng mga beks at girls, kahit si Dingdong ay may asawa na.

May nagtanong nga sa amin kung may similarity raw yata (based sa title) ang kaganapan sa buhay ni Angelica. Hindi man siya ang “wife”, parang based daw sa totoong buhay ang pelikula.

Until now kasi, hindi pa rin malinaw ang split-up nila ng dating boyfie niya na si John Lloyd Cruz na tila happy naman yata sa pagiging very much single ang aktor.

Kanina (lunchtime) ang media launch ng pelikula.

More stories ang tsika sa kaganapan sa presscon at sa magiging sagot ng aktres at ng ibang mga artista (kasama si Paulo Avelino) sa obra ni Direk Maryo J. delos Reyes.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING