Angelica Panganiban at BF na si Gregg Homan, binalikan ang kanilang love story

SA KAUNA-UNAHANG pagkakataon ay pumayag ang fiance ni Angelica Panganiban na si Gregg Homan na umupo’t saluhan ang kanyang soon-to-be misis sa kanilang bagong joint vlog channel.

Dito ay ikwinento ni Angelica na sa set ng ‘Walang Hanggang Paalam’ sa Subic sila nagkakilala.

Angelica Panganiban at BF na si Gregg Homan, binalikan ang kanilang love story
Gregg Homan and Angelica Panganiban

“Taga dito (Subic) talaga si Gregg. Si Cherry Pie [Picache] ‘yung may kakilala sa kanya and may kakilala sa akin na nangungulit na mag-meet na kaming dalawa. Nung una ayaw ko talaga kasi medyo, hindi naman jaded pero parang tamad na ako sa mga dating, dating. Parang hindi na ako interesado. Masaya naman na ako na single,” kuwento ni Angge.

Ayon din sa kanya, pumayag lang siya makipagkita dahil sa request ng kanyang kaibigan.

Pag-alala pa niya, sinabi niya kay Gregg ang mga pagkain na kini-crave niya na mahirap hanapin dahil sa kanilang locked-in taping noon. Sa parte naman ni Gregg, ginamit niya ito na opportunity para mas lalo pang makilala si Angge.

“Parang that was my in – asking her what type of food she likes. When I found out, a couple of days later, I sent some food over to the hotel for the whole crew. I knew at one point she would have to take thank me and I would get her number,” kuwento pa ni Gregg.

Puro simple questions lang din ang mga tinanong nito para matantsa niya kung marami ba silang similarities.

Nang tanungin ni Angge kung paano nalaman ni Gregg na nagkakagusto na siya: “I think it was how easy it was. I remember a conversation we had that we said to each other na even if we couldn’t be in a relationship together, we wanted to be friends because we had so much in common. We did like our conversations.”

Pagdating naman sa pagbubuntis ni Angelica:  “When she found out, she said in a message ‘Are you busy? Can we talk?’ I assumed I did something wrong, said something wrong, or forgot to do something she asked me to do.”

“I was driving at that time, I had her on speaker. She rang and I had a friend in the car. The first thing I asked her, ‘Good news or bad news?’ The first thing she said was ‘I’m positive.’ ‘COVID? You better go home then.’ You were asking me to stop the car. I told you I stopped the car and I didn’t,” dagdag pa niya.

Nag-pull over na rin ito at sa kanilang video call ay ipinakita ni Angelica ang positive pregnancy test result!

“I was dumbfounded. I didn’t know what to do… We started crying,” lahad pa ni Gregg.

Sa ngayon ay desidido si Angelica na mag-focus muna sa kanyang family life. Pero hindi ibig sabihin nito ay tuluyan na niyang tatalikuran ang mundo ng showbiz.

“Sa umpisa siyempre nanamnamin ko muna ‘yung pagiging ina ko. Ie-enjoy ko muna. Thirty years na rin naman ako sa industriya. Parang ang dami ko nang naimbag. Siguro ngayon, hinihingi na nung life na mag-focus naman ako sa aking family dahil sobrang blessed ko na magkaroon ng pamilya ngayon. Gusto ko doon ako mag-focus, ibigay lahat ng oras ko doon.”

 

Kahit hindi pa nanganganak si Angelica, siguradong nasa listahan na ng godparents sina Glaiza de Castro, Ketchup Eusebio at John Prats.

Halos dalawang taon na rin magkarelasyon sina Gregg at Angelica. July ang kanilang anniversary.

Unang ipinasilip ni Angelica ang development sa kanyang love life noong New Year’s Eve 2021, kung saan may mystery guy itong hinalikan na background ang fireworks. A month later ay isang couple selfie na ang kanyang pinost sa social media.

Masaya ang mga tagahanga ni Angelica dahil sa dami ng kanyang pinagdaanan pagdating sa kanyang buhay pag-ibig, sa wakas ay ’tila nahanap na niya ang ‘the one’.

Previous articleAngeli Khang at Janelle Tee, patalbugan sa pagpapaseksi sa ‘Pusoy’
Next articleTuesday Vargas, Dasuri Choi at Kim De Leon bagong cast members ng Bubble Gang