Angelica Panganiban, aminadong niligawan si John Lloyd Cruz!

ADVERTISING

Angelica Panganiban, aminadong niligawan si John Lloyd Cruz!

Angelica Panganiban, aminadong niligawan si John Lloyd Cruz!WALA NA nga yatang mahihiling pa sina John Lloyd Cruz at Angelica Panganiban pagdating sa kanilang personal life at showbiz career. Napagsasabay nila ito kahit inuulan sila nang intriga tuwing may bago silang karelasyon. Naging controversial ang kanilang love affair dahil na rin sa mga issue na ibi-nabato sa kanila. May mga taong nasaktan tulad nina Shaina Magdayao at Derek Ramsay na parehong naging ex-dyowa ng dalawa bago naging sila.

Hindi naging madali kina Lloydie at Angel nang ma-in love sila sa isa’t isa na hindi inaasahan, hindi sinasadya. Parehong heartbroken, friendship na nauwi sa love relationship. Sa isang exclusive interview, sinabi ni Angelica, “Feeling ko talaga pinursue na rin niya ako. Parang dumating sa point na kinikilig na ako kapag nand’yan siya.”

Inamin ni Angelica, sa kanya unang nanggaling ang salitang ‘I love you’. “Sumagot din siya agad, hindi naman niya ako pinahiya. Walang pilitan na nangyari, lahat maayos, sakto, tama ‘yung pangyayari.”

Nang maging sila ni Lloydie, feeling ni Angel, puwede siyang magpakatotoo sa sarili na walang takot na mararamdaman, just being herself. “Kahit sinong babae na coming from a failed relationship, tapos may dumating na isang knight in shining armor.”

ADVERTISING

Angelica Panganiban, aminadong niligawan si John Lloyd Cruz!May pagkakataong ipinagpaalam pa ni Angelica si John Lloyd sa pamilya nito para mag-dinner ang binata sa bahay niya. “Hinihiram ko siya sa pamilya niya. Sabi ko, kahit after dinner na, huwag ka na lang kumain masyado, magdi-dinner tayo sa bahay. Akala niya magluluto ako, nagpa-set-up ako. ‘Yung buong dining area sa bahay ko, puro roses. Pagdating niya. Anong nangyari? Puro kandila ‘yung bahay. Akala niya may atraso akong nagawa at magso-sorry ako. Ang point ko lang doon, naibigay ko ‘yun sa taong hindi deserving. ‘Sa ‘yo ko pala dapat binigay na hindi ko kailangang magkamali para gawin natin special ‘yung isang gabi’.”

Nu’ng Valentine’s Day, niyaya ni Loydie si Angel mag-dinner na never na-experience ng actress sa past relationship niya. It was a memorable night para sa dalaga. Magkasundo sila sa maraming bagay kaya click sila together. “Parehas ‘yung sense of humor namin. ‘Pag may hindi kami napagkasundu-an, hindi kami nag-aaway, mahinahon na mahinahon ‘yung lahat. Kakausapin niya ako nang maayos, mag-uusap kami, makikinig, sasabihin niya ‘yung side niya, ipapaintindi, magkikita kayo in between. Puwede pala ‘yun, ‘yung hindi kayo nagsisigawan ‘yung walang away na mangyayari. Minsan nagtataka din ako kung kami ba talaga. Sabi ko nga, nakahanap ako ng best friend at naging boyfriend. Wala kaming sikreto sa isa’t isa.”

Angelica welcomed back the friends na iniwasan niya noong time na sila pa ni Derek Ramsay. Ngayon nga, halos lahat ng kaibigan niya ay kaibigan din ni Lloydie. Puwede nilang gawin ang mga bagay-bagay ayon sa kanilang kagustuhan. Bumalik muli ang confident ni Angel sa sarili with the support of her boyfriend John Lloyd. Sa bawat araw sa kanila, is a blessing, isang lalaking tunay niyang minamahal at minamahal din siya. “Mine-make-sure ko na, hindi lang ito ‘yung gusto ko, ito ‘yung kailangan ko. Mas masarap kasing nabubuhay ako nang walang expectations, binibigay lang niya sa ‘yo. Kaya mas malalim ‘yung balik sa akin ‘pag wala kang expectations, mas hindi ka masasaktan. ‘Pag may ibinigay sa ‘yo na hindi mo alam, mas masarap sa pakiramdam.”

 Photo from Angelica Panganiban’s Instagram

 AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING