Angelica Panganiban, aminadong mahina pagdating sa pag-ibig

ADVERTISING

Angelica Panganiban, aminadong mahina pagdating sa pag-ibig

Angelica Panganiban, aminadong mahina pagdating sa pag-ibigAminado naman si Angelica Panganiban na mahina rin siya pagdating sa pagmamahal. Natatalo siya dahil sobra siya kung magmahal. Kapag nakipagrelasyon siya at pinagpakitaan siya nang sobra-sobrang pagmamahal ng isang lalaki, nakalilimutan niya ang kanyang limitasyon, na magtira naman siya ng pagmamahal para sa kanyang sarili. Lagi kasing ang nangyayari, ibinibigay niya ang buo niyang pagmamahal hanggang sa maubos iyon.

ADVERTISING

Laging natatalo si Angelica Panganiban, dahil kapag nagmahal siya ay tutok siya sa kung sino ang kanyang karelasyon.  Hindi rin naman kasi biro ‘yung mahabang taon ng lagi niyang pakikipagrelasyon. Mahigit anim na taon ang naging relasyon nila ni Derek Ramsay bago sila nagkahiwalay. Nagtagal na rin sila ni John Lloyd Cruz, at nag-wish na rin siya na habang nagtatagal sila ay baka sa dulo ng kanilang relasyon ay sila na nga ang magkakatuluyan.

Ang maipagmamalaki lang ni Angelica sa ngayon, kesehodang mayroon siyang lovelife ay hindi niya makakayang ilaglag ang kanyang career. Mahal niya ang kanyang trabaho. Hindi rin naman kasi siya sumusuko sa laban na magmahal. Iniyakan niya noon ang paghihiwalay nila ni Carlo Aquino, pero minahal nga niya si Derek na pagkatapos niyang umiyak ay dumating si Lloydie. Masaktan man at umiyak ang magandang aktres, bubuwelo lang siya at magpapagpag ng lungkot, pero alam niyang makababawi ulit siya. Dahil para sa kanya, ang importante ay marunong siyang magmahal. Iyon ang kanyang panalo.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING