Angelica Cervantes bida sa sexy-drama Vivamax film na ‘Biyak’

FROM BEING a member of the girl group Belladonnas and playing daring supporting roles in Vivamax films like ‘Silab’, ‘Eva’ and ‘Kaliwaan’, bida na ngayon si Angelica Cervantes sa upcoming Vivamax film na ‘Biyak‘ na mapapanood na ngayong July 1.

Ayon kay Angelica, nagulat daw siya nang malaman na magbibida na siya sa wakas sa isang pelikula.

Angelica Cervantes bida sa sexy-drama Vivamax film na 'Biyak'
Angelica Cervantes

“Siyempre, nagulat po ako when I was told magbibida raw ako.

“Sabi ko, totoo ba ito? Then, noong nagmi-meeting na sila, our producer, Mommy Len Carillo and si Direk Joel, nakatingin lang ako, di pa rin makapaniwala.

“But when I learned that Ate Quinn will play my sister, I got excited kasi close na kami since we both come from the same singing girl group, Bella Donnas, so it’s nice to be working together in one movie.

 

“But kinakabahan talaga ako kasi di ko alam kung ano ang mga ipapagawa nila sa akin. I’m just thankful na nagawa ko naman ang mga akala kong hindi ko kayang gawin,” kuwento ni Angelica sa virtual press conference ng ‘Biyak’.

Ano nga ba ang karakter ni Angelica sa ‘Biyak’?

“I play Violet, a girl from a well to do family. Akala mo, masaya ang buhay niya kasi mayaman sila, but may lihim siyang itinatago. Ampon lang siya kasi pinamigay siya ng ina niya as a baby.

“Tapos, now, inaabuso siya ng kanyang foster dad, si Jim Pebanco. Para makatakas, nagpatulong ako sa boyfriend ko, si Vance Larena, to look for my biological mother at nakita naman namin, si Maureen Mauricio,” kuwento ng dalaga.

Makikilala niya ang kanyang kapatid played by Quinn Carillo who plays the role of Samantha. “Sa pagtatagpo namin, we’ll get involved in each other’s lives. She’s a street smart girl na lumaki sa hirap at dating drug trafficker. But now, she works as a police asset working with the cops to help solve drug-related cases.”

Kasama nina Angelica Cervantes at Quinn Carillo sa pelikula sina Albie Casino, Vance Larena as their love interests.

Previous articleGerald Anderson, na-shookt sa hot love scene nila ni Ivana Alawi
Next articleAlbum Review: Ate Sandali by Maris Racal