Angeli Khang at Janelle Tee, patalbugan sa pagpapaseksi sa ‘Pusoy’

MAITUTURING na ‘sugal’ para sa mga reining Vivamax Sexy Queens na sina Janelle Tee at Angeli Khang ang desisyon na magpaseksi sa pelikula.

Si Janelle Tee ang 2019 Miss Earth Philippines. Pagkatapos ng kanyang termino ay nagdesisyon ito na karirin ang pagiging aktres and before you know it ay isa na siya sa mga beauty queens under Viva na matapang na nagpapaseksi sa pelikula.

Angeli Khang at Janelle Tee, patalbugan sa pagpapaseksi sa 'Pusoy'
Angeli Khang and Janelle Tee

On the other hand, bago kinilala bilang ‘K-Crush ng Vivamax’ ay cosplayer noon si Angeli Khang. With a young age and innocent-looking face and petite figure, mas mavi-visualize mo siya na maging girl band member o ‘di kaya’y magpa-tweetums sa pelikula at TV.

These two ladies, despite their age differences and background teamed up in the upcoming sexy-thriller Vivamax film ‘Pusoy’ kung saan makakasama nila ang award-winning actors na sina Baron Geisler at Vince Rillon.

Trailer pa lang ay alam mo na puno ito ng aksyon sa barilan at s’yempre, sa romansahan. Mukhang hindi basta-basta ang mga ginawa rito ng mga bida na may palitan pa ng ka-romansahan. Kaloka!

Less than one year pa lang sa paggawa ng pelikula ang dalawang dalaga, pero sunod-sunod din ang paglabas ng mga pelikulang sila ang bida.

Si Angeli Khang ay isa sa mga baguhan na pinakilala sa ‘Taya’ Pagkatapos ay binigyan ito agad ng lead role sa Mahjong Nights, Eva at Silip sa Apoy. Despite her young age ay marami ang nagsasabi na sa mga kasabayan niya ay siya ang may malaking posibilidad na makakuha ng acting awards.

Janelle Tee’s determination to shed her innocent beauty queen image is paying off dahil sunod-sunod ang mga pelikulang nilalabasan niya. Ipinakilala siya sa ‘Kinsenas, Katapusan’ kung saan gumanap siya bilang kabit ni Joko Diaz. Later on ay nagbida ito sa ‘Putahe’ kung saan anim na lalaki ang nakasalo niya at ‘nagkatikiman’ din sila ni Ayanna Misola. This time ay bida siya sa sexy-thriller Pusoy at next month ay bida rin siya sa ‘Secrets’ na mula sa direksyon ni Jose Javier Reyes.

Sumugal ang dalawang dalagang ito sa pamamagitan ng paghuhubad sa pelikula, pero unti-unti din nagbubunga ang kanilang pinaghirapan.

Previous articleShayne Sava nagpapatayo na ng bahay para sa pamilya
Next articleAngelica Panganiban at BF na si Gregg Homan, binalikan ang kanilang love story