Angel Locsin, walang binatbat kay Marian Rivera

ADVERTISING

Angel Locsin, walang binatbat kay Marian Rivera

Angel-Locsin-Marian-RiveraWALA PALANG binatbat ang katawan ni Angel Locsin sa to-die-for bod ni Marian Rivera.

Napanood kasi namin ang isang eksena sa teleserye niya kung saan nasa gilid siya ng swimming pool. Ang akala nga namin ay magsi-swimming siya sa eksena pero hindi pala.

Naobserbahan namin na medyo may katabaan si Angel at hindi kagandahan ang kanyang skin, ha? We don’t know if it was just us pero parang marumi ang balat niya.

Anyway, nilait-lait si Angel ng fans ni Marian at ang ginagawang bone of contention nila ay ang pagkakaroon ng college diploma ng Kapuso actress.

ADVERTISING

Nagkaroon na naman ng comparison dahil kaga-graduate lang ni Dingdong Dantes and among the comments na nabasa namin ay ang kawalan ng college diploma ni Angel.

IDIOTS that these Marian fans are, hindi ba nila naisip na despite Angel’s lack of a college diploma ay narating pa rin nito ang tagumpay.

Compared to Marian ay hindi hamak naman na maganda ang image ni Angel. Kaya nga ang daming repeat endorsements niya, ‘no, kasi trusted na siya ng mga advertiser. And mind ‘ya, ang lalaki pa ng mga ads niya ngayon, ganoon siya ka-in demand, hindi siya nase-zero sa commercial.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING