Angel Locsin, umani ng batikos ang opinion sa same sex marriage

Angel Locsin, umani ng batikos ang opinion sa same sex marriage

Angel-LocsinKALIWA’T KANANG batikos ang inabot ni Angel Locsin when she made public her opinion on same-sex marriage after the US court allowed same-sex marriage recently.

Hindi naman nagpatinag si Angel and she defended herself from rude followers na nambastos sa kanya all because sinusuportahan niya ang same-sex marriage.

“Kung magiging insensitive, rude, and self righteous ho tayo, ‘wag na ho natin idamay ang Diyos. That’s very ungodly and a huge turn off. The statement says we should show respect, sensitivity, & compassion to one another at naniniwala ho akong ‘yan ang gusto ng Diyos. ‘Yan ang tama. :) At hindi naman ho tayo Diyos para mang-husga.

“Wala namang mention ito about marriage, pero personally, I’m not going to deny my LGBT friends the ‘protection’ that ‘straight’ people get kapag kasal. Think of insurances, healthcare, kahit bantay sa ICU, etc & not just sexual acts.

“Tama naman ho na may pinaniniwalaan kayo, pero careful lang sa kung paano sabihin. I have LGBT friends na sobrang bait, at ako ho ang nababastos para sa kanila. ‘Wag ho tayo mag-away-away.”

‘Yan ang sunud-sunod na paliwanag ni Angel.

“Gosh. Guys, tama naman to share the word of the Lord, but if we are sharing without showing compassion and love towards sa LGBT community, parang minemorize lang natin ang mga verses and not to mention, sounding self righteous :(

“Love first. Then let God handle your worries. I’m sure alam naman ng LGBT ang mga sinasabi n’yo. :)

“Pero who are we to judge, ‘di ba? Yun lang po,” dagdag pa ng aktres.

Kabilang sa mga sumusuporta sa same-sex marriage sina Chito Miranda, Liza Dino, Aiza Seguerra.

Si Ryan Agoncillo at Oyo Sotto naman ay against sa same-sex marriage.

“The concept of same sex marriage scares the shit out of me. It’s nice to change it up now and then y’ know.” That was Ryan’s comment about the issue.

Mas direct naman ang statement ni Oyo who said, “I do not support same sex marriage”.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas