Angel Locsin, umaasa na magkakabalikan sila ni Luis Manzano

ADVERTISING

Angel Locsin, umaasa na magkakabalikan sila ni Luis Manzano

Angel-Locsin-Luis-Manzano Luiz-ManzanoSA NAGING pahayag ni Angel Locsin na may natitira pa siyang pagmamahal sa ex-boyfriend na si Luis Manzano, ngayon nanariwa sa alaala namin ang naging pahayag noon ni Angel sa isang interview namin sa kanya nu’ng nakaraang buwan lang na para sa kanya ay mabait na tao si Luis, mabuti itong kaibigan kahit nga wala silang komunikasyon dalawa. Tinanong din namin tungkol sa panunukso sa kanila dahil halos sabay sila nang aminin nila na nauwi sa break-ups ang kanilang mga relasyon, si Angel kay Phil Younghusband at si Luis naman kay Jennylyn Mercado, parehong nagsalita noon siNa Angel at Luis na ayaw na muna nilang isipin ang tungkol dito, dahil nga pareho silang may pinagdaraanan pa at ayaw nilang makadagdag sa anumang mabigat na dinadala ng bawat isa.

ADVERTISING

Nang sabihin sa amin ni Luis na nagkapalitan na sila ng texts messages ni Angel, na binati pa niya ito nu’ng Pasko at Bagong Taon, naisip namin na maaaring simula na ito ng panunumbalik ng pagkakaibigan ng dalawa. Ikinagulat na lang namin nang umamin si Angel sa presscon ng The Legal Wife na may pagmamahal pa siya kay Luis, at ngayon mas naging klaro sa amin kung bakit ‘di sila nag-usap ng ex sa loob ng matagal na panahon. Alam siguro ng aktres sa sarili niya na may nararamdaman pa talaga siya kay Luis at hindi pa siya handa talaga na magbukas ng komunikasyon dito, lalo’t may kani-kaniya silang karelasyon noon.

Inamin din ni Angel na pumunta sa bahay nila si Luis nu’ng nakaraang Bagong Taon, pero hindi nga lang siya inabutan nito dahil tulog na siya. Nang tanungin kung may pag-asa ba silang magkabalikan, sumagot ang aktres na sana.

Ayaw magbigay ng komento ni Luis tungkol sa naging pahayag ni Angel, pero sa nakikita namin ay maaaring may balikang mangyari, lalo’t  pareho silang malaya sa ngayon at mukhang sinimulan na uli ni Luis ang panunuyo muli sa aktres kung saan hindi naman pala namatay ang nararamdaman ni Angel para sa TV host/actor.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING