Angel Locsin, tahimik ang showbiz career?!

ADVERTISING

Angel Locsin, tahimik ang showbiz career?!

Angel Locsin, tahimik ang showbiz career?!CONSISTENT NAMAN talaga si Angel Locsin sa kanyang ugali bilang tao, na kapag mayroon siyang karelasyon ay tutok siya roon. Katulad na lamang ngayon, na sobrang nakalaan ang kanyang panahon sa kanyang boyfriend na si Phil Younghusband. Bilang miyembro ng sikat na Azkals, manalo man o ma-talo ang grupo nina Phil ay lagi lang nakasuporta ang magandang aktres sa kanyang kasintahan. Kaya nga, nagpapasalamat din si Phil, dahil sa mga panahong problemado siya sa buhay ay naand’yan lang talaga si Angel at umaalalay sa kanya.

Magmula nang umamin sina Angel at Phil tungkol sa kanilang relasyon, mas lalo silang bagay tingnan kapag magkasama ngayon. Nakaaaliw si Phil, dahil hindi siya maramot magkuwento kapag tsinitsika siya at tungkol kay Angel ang itinatanong sa kanya. Nagtagal din naman kasi ang kanilang pagliligawan, kaya parang ine-enjoy niya ngayon ‘yung sobrang saya ng pakiramdam na naipagmamalaki na niya talaga si Angel.

Kaya lang, puro na lovelife ang napag-uusapan ngayon tungkol kay Angel. Tahimik ang kanyang showbiz career. Mayroon naman siyang mga nasimulan sa planong mga proyekto, pero hindi pa ipinalalabas. Napapanood siya sa sitcom na Toda Max ng ABS-CBN. Kaya lang, si Robin Padilla talaga ang bida roon, at halatang idinagdag lang si Angel. Wala pa siyang bagong teleserye. Ibabalik daw ang Darna na ginawa niya dati. Bagay pa ba iyon sa kanya? Nabalita noon na bagay sa kanya ang magbida sa remake ng Himala ni Nora Aunor. Puwede pa ‘yan. Kai-

langan na kasi ni Angel ng bagong panggulat sa career. Kasi, parang nakarating siya sa kasikatan, pero parang huminto na lang kung saan siya nakarating.

ADVERTISING

Angel Locsin, tahimik ang showbiz career?!

NAKAKALUNGKOT LANG, na maraming sumabak noon sa pagpapaseksi sa showbiz ang nangawala na dahil nalaos na. Pero kamukat-mukat mo naman, basta na lang lalabas sa telebisyon, sa talk show at magpapainterbyu dahil kasama na sa kanyang pag-eksena ay ang paghingi ng tulong, dahil pagkatapos pala nilang mag-artista ay kahirapan na ang naging takbo ng buhay nila. Sa hanay ng mga nagpaseksi at tumalikod doon ay si Sylvia Sanchez ang isa sa kapuri-puri sa kanilang lahat.

Siyempre nga naman, si Sylvia ay pumasok sa showbiz sa panahong mainit pa rin ang rivalry sa kasikatan nina Nora Aunor at Vilma Santos, habang ang dami-dami na talagang nagsusulputang baguhan sa field na ito, at uso noon ang pagpapaseksi, kaya sinubukan na rin ni Sylvia. Pero hindi rin naman siya halos nagtagal sa pagpapaseksi, dahil nagkakahigpitan noon sa bold movies. Ipinaglaban ni Sylvia na marunong siyang umarte, kaya nakawala siya unti-unti sa kanyang sexy image.

Kahit aktibo si Sylvia sa showbiz, at naging husband niya rin si Art Atayde ay nabuhay pa rin siya sa kasipagan. Mahilig siyang magluto, kaya naranasan din ni Ibyang na magnegosyo ng masasarap na pagkain bilang libangan. Kaya hindi siya nagiging purdoy. Bongga si Sylvia, dahil hindi niya napapabayaan ang kanyang pamilya kahit dumarating ang panahon na ang dami niyang raket sa pelikula at telebisyon. Nominado siya ngayon sa kategoryang Best Single Performance By An Actress sa gaganaping 26h PMPC Star Awards For Television dahil sa mahusay niyang pagganap sa “Aswang” episode ng Maalaala Mo Kaya.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING