Angel Locsin si hoity-toity with Phil Younghusband!

ADVERTISING

Angel Locsin si hoity-toity with Phil Younghusband!

Angel Locsin si hoity-toity with Phil Younghusband!MABAIT NAMANG TAO si Angel Locsin, kaya ka-respe-respeto naman siya sa kanyang sinasabi, na tungkol sa closeness na namamagitan sa kanilang dalawa ni Phil Younghusband ay ayaw niyang magmadali. Kasi nga, ayaw rin niyang masaktan, kaya gusto muna niyang makasiguro at i-enjoy kung hanggang saan na ngayon ang pagkikilala nila ng sikat na miyembro ng grupong Azkals. Ang maganda kay Angel, hindi niya itinatago na ang sikat na atleta rin ang nagpapasaya sa kanya ngayon.

ADVERTISING

Matatameme na siguro ngayon ang mga taong grabeng pagbintangan si Phil na ginagamit lang ang popularity ni Angel para siya mapag-usapan at sumikat. Ano ba naman kayo? Ipinagkakanulo na si Angel ng kanyang kilig na nararamdaman kay Phil, dahil obvious na obvious iyon, huh! Ang ganda-ganda lalo ngayon ni Angel, at kakaiba ang glow ng kanyang mga mata kapag ang pinag-uusapan ay si Phil. Tama na ‘yang pagbibintang ng panggagamit, dahil sa promo period naman ng pelikulang In The Name Of Love, gamit na gamit ang pangalan ni Phil, samantalang si Aga Muhlach ang leading man ni Locsin.

May iko-correct lang ako. Tuwang-tuwa ang kasama sa panulat at sister ni Manay Ethel Ramos na si Tita Len Llanes sa kuwento kung paano ko nasabing mabait na tao si Phil kahit nu’ng hindi pa siya sikat. Sinulat kasi ni Tita Len sa kanyang kolum sa isang tabloid, na pinasakay raw ako sa car ni Phil at inihatid pauwi. Hanggang Alabang lang naman po ako inihatid ni Phil nu’ng isakay niya ako sa kotse, galing sa TV5, Novaliches. Sa Ayala-Alabang yata siya nakatira. Ako naman ay sa Batangas. Kahit hindi na ako matandaan ni Phil, ang importante, alam kong mabait siyang tao. Kaya boto talaga ako sa kanya, para kay Angel.

 

ADVERTISING

BULILYASO NA NAMAN ang kuno kuno’y pagkakaroon ng bagong inspirasyon ni Ai-Ai delas Alas sa pamamagitan ng pagbibiro niya sa mga nakakaaliw na katangian ni Aljur Abrenica. Papaano ba naman, napaka-gentleman ng guwapong actor ng GMA-7. Dahil sa pagsisimula ng mga biro ng sikat na komedyana, naroon na ‘yung kanyang pagbibitiw ng mga magagandang salita, na halata mo rin namang sumasakay rin siya sa mga ek-ek ni Ai-Ai, dahil alangan namang tanggihan at sabihin mong hindi mo type ang isang box-office queen?

Hindi nakaaaliw ang unang pagkikita nina Ai-Ai at Aljur sa nakalipas na birthday concert ni Sam Milby. Paano ba naman, dumating si Aljur na ang ka-date ay si Kylie Padilla. Nakakaloka, ‘di ba? Samantalang kung mag-isa lang dumating ang Kapuso actor, isang magandang pagtatagpo iyon nila ni Ai-Ai, dahil mapapalaki pa ang isyu, katulad kung papaano lumaki at natapos sa wala naman palang talaga ang isyu kina Ai-Ai at Direk GB Sampedro noon. Papaano pa hihirit si Ai-Ai ng mga kadramahan at tatak ng kanyang pagbibiro sa mga guwapong bagets, kung nasa tabi ni Aljur ang anak ni Robin Padilla?

Hindi naman nauubusan si Ai-Ai ng mga guwapong bagets na binibiro-biro, kaya ngayong walang mangyayaring kuwento sa kanila ni Aljur, hintayin na lang natin kung sino ang susunod na guwapong pagti-tripan niya. Natapatang biruin ng Box-Office Queen ang mapaglaro ring sina Aljur at Kylie. Muntik na nilang napaniwala ang publiko na walang namamagitan sa kanilang dalawa, dahil may pag-iwas na silang pareho na ginagawa kapag tungkol sa kanilang ligawan ang itinatanong.  ‘Yun pala, sila na nga.

Naiwan tuloy si Ai-Ai.

 

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING