Angel Locsin, second choice lang sa Darna movie?!

ADVERTISING

Angel Locsin, second choice lang sa Darna movie?!

MAY KUMAKALAT na chika sa social media na si Angel Locsin ay second choice lamang to play Darna sa big screen.

Angel-Locsin Angel-LocsinAng chika, kay Marian Rivera raw unang inalok ng Star Cinema ang Darna role, something which is very impossible.

To begin with, why would Star Cinema do that, eh, Kapuso at hindi naman Kapamilya si Marian?

Dahil sa chismis na ito ay nagwala ang mga fans ni Angel sa social media.

ADVERTISING

“Hindi sila maka-move on bitter pa rin kay Angel. O well, nagbibilang na sila ng karma so hayaan na natin ang kapus-palad.”

“Ang mabuting tao ay tunay na pinagpapala”. Mga bitter lng ang admin ng Kapuso Warriors at Marian fans. hehe. Wag nlng ntn pansinin. Alam nman ntn kung ano ang totoo. Angel deserves to be a Darna. Siya lang, wala nang iba!!”

“Kasi di nila nagawan ng movie ang darna sa GMA. At highest rate din ang darna ni Angel dati. So may halong ingit kasi ireprise ito ng kalabang network nila na alam nilang pakakainin sila ng alikabok.”

“Nakakahiya mga ibang fans ni marian pilit nilang pinapalabas na ang first choice na maging darna sa big screen eh si marian lukring! pwede ba kung gagawa kayo ng bagong issue yung totoo di yung imbento lang nakakahiya kayo gagawin nyo lahat mapag-usapan lang idol nyo sinong lumalabas na nakakahiya?idol nyo? mga desperedo talaga kayo kitang kita ang inggit nyo kay angel at super lait nyo sa kanya na mataba sya humanda kayo at masisilayan nyo ulit ang kaseksihan nya hahaha!”

Ilan lamang ‘yan sa mga matataray na comment ng fans ni Angel sa chismis na second choice lang ang idol nila to play Darna.

 

MARAMI NA pala ang naaasar sa itinatakbo ng story ng My Husband’s Lover. Wala na raw kasi itong logic at parang nakalog na ang utak ng mga writers nito dahil sa extension.

“Tlga nman e,pra lng xang tanga ano un? Mas matimbang pa ung mga bakla ngaun kesa mga babae pra malaking sampal un sa mga babae oo ngat tanggap n ntin mga bakla ah,at ang sobrang sakit pa dun pti anak mo kya mong isakripisyo on ur own happiness nkapa selfish nya…sabi nila may moral lesson saan dun? Kakabae nyang tao xa mismo nilapastangan nya mga babae di ako against sa mga bakla tanggap na yan pero sobra nman yta lawak ng emahinasyon ng gumawa nyan n wla n sa huwisyo ang utak sa sobra cgurong confident sa sarili n akala nya gandang ganda xa sa storya nya n kung tutuusin npapa imoral..pati mga bata dinamay,” mahabang litanya ng isang inis na sa MHL.

“Dami kng kilalang prof na mga gay! d nla bet ung mhl dhl dw mas ngpapasira lng ito ng image nla. cguro daw kung ang ipinakita dun ay kung ano ang mga kayang gawin at patunayan ng mga gay manunuod pa cla,” komento naman ng isang guy.

“Bobo talaga. . d ako maniniwala na pinag palit ang asawa at anak xa bakla. .wow. .haba ng hair,” walang takot naman na pananaray ng isang beki.

 

GUMAWA NG ingay ang nasulat na mahigit P10,000 per taping day na talent fee ni Bela Padilla sa GMA-7.

Ang unang tinamaan ng pananaray ay ang Kapuso Network. Marami talaga ang nagulat sa TF na tinatanggap daw ni Bela dahil sobra itong liit at pang-extra lamang.

“OMG 10k per taping?! Kaya pala ang daming lumipat sa ABS-BN at TV5 dahil ang baba ng pa sweldo sa kanila? True b yan?”

“10k??? Bayad lang ng ektra sa ABS-CBN yan, kya pala dami umalis at gusto umalis sa GMA”

“grave extra lang yan sa ABS.. kakaloka gma umayus kau!! marunug pa kau mag hold hold, duh!! kaya pala dame nag akyatan.”

Ayan, napuruhan tuloy ang GMA. Naging nega tuloy ang image ng network dahil sa mababang TF na binibigay raw nito kay Bela.

“haha siya ung gagawin snang kontrabida s isang soap kaso pumalag dahil nagbibida n daw sya kya yaw n nya mag kontrabida.. kya aun tengga sya s GMA7.. irereason p nya now mababa TF nya..luh!!” one guy related.

True ba ito, Bela?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING