Angel Locsin, scared of Vilmanians?

KAT OUT OF the bag: Sa isang birthday party namin nakita ang komedyanang si KitKat at dala-dala na nito ang warrant of arrest para sa kanyang dating live-in boyfriend na nagngangalang Alfred Lumanlan. Gagalugarin nga raw nila ang Pampanga kung saan napapabalitang doon ito naninirahan.

And kelan lang, nakatanggap kami ng text message from KitKat and apparently, hindi nagbunga ang pagtungo nila sa Pampanga para maihain na ang mandamiento de aresto sa dating kasintahan na inaakusahan niya ng diumano’y pagnanakaw.  Ang nakuha raw na balita ni Kitkat, lumipat na ng bahay sa kabilang subdivision ang akusado kasama ang pamilya, at nagtatago na nga.

WHAT’S COOKIN’?: SA patuloy na papasarap na sangkap ng Only You nina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo, magdadagdag pa rin pala ng mga pangiliti sa mga eksenang sasalangan nila gabi-gabi. Kaya, papasok ang mga karakter nina Carla Humphries and former beauty queen Melanie Marquez!

Dinalaw namin ang taping ng Only You sa Sct. Delgado sa Kyusi recently. Ang tanong na inihain kay Sam ay may kinalaman sa sinasabi niyang nanumbalik na friendship sa pagitan nila ng ex na si Anne Curtis. Na-miss nga raw nito ang mga parents ni Anne na ilang araw ding namalagi sa bansa, at nag-treat pa si Sam sa isang bakasyon sa El Nido, Palawan.

Galing si Anne sa trip niya in Europe at nasa Balikbayan box pa raw nito ang pasalubong niya kay Sam na sigurado siyang magugustuhan ng binata. Sa balita naman na lilipat na nga ng bakod si Anne, according to Sam eh, wala pa raw nabanggit sa kanya ang dalaga.

Hindi pa masabi ni Angel ang tatak ng bag na iniuwi sa kanya ni Luis (Manzano) from New York, na bale birthday gift din pala niya sa dalaga. Nabalita na nga ang dalawang pares ng sapatos na uwi naman ni Angel kay Luis from Korea. Nababahala lang si Angel sa mga natatanggap niyang reaksiyon mula sa mga tagahanga ng Star for All Seasons na si Vilma Santos. Na may kinalaman nga sa naging partisipasyon niya sa book launching ni Ricky Lee kung saan binasa niya ang ilang linya sa Himala ni Superstar na si Nora Aunor.

“Kung nasabi ko man po ang salitang nag-iisang Superstar, ‘yun naman po ang totoo. At hindi ko naman po intention na maging nega ang dating nito. Pero meron pa rin naman pong Star For All Seasons, Diamond Star, Megastar at iba pa. Ito na nga po ang kinatakutan ko. Although nang tanggapin ko po ang invitation na ‘yun, sinabi ko rin ‘yun kay Luis. Malapit po sa puso ko si Tita Vi. At isang bagay na hindi ko gugustuhin eh, ang sumama ang loob niya sa akin.”

‘Wag na itong palalain dahil madalas palang mag-usap sa Skype si Angel at ang Tita Vi niya!

Malamang na si John Lloyd Cruz naman ang maging next leading man ni Angel. And would you believe kung ano’ng role ang gusto nitong gampanan kung sakali? Bampira! Ito raw ang isang challenge na hihintayin ng mala-anghel ang mukhang aktres-na minsang nangarap sa kanyang buhay na maging isang karakter ng kadiliman at liwanag.

‘ an~”؏!na nu’ng Lunes.

Pero siyempre, hindi puwedeng magkadebelopan at baka makasira sa bagong loveteam nina Dennis at Jennica Garcia, ‘di ba?

The Pillar
by Pilar Mateo

Previous articleCristine Reyes, malabo pang maging Kapuso!
Next articlePinoy Parazzi Vol.II Issue #78

No posts to display