Angel Locsin, sa pelikula na magda-Darna?!

ADVERTISING

Angel Locsin, sa pelikula na magda-Darna?!

Angel Locsin, sa pelikula na magda-Darna?!ENJOY NA enjoy raw ang special guest co-host ng It’s Showtime na si Angel Locsin everytime na nagho-host ito kasama ang buong regular hosts ng nasabing noontime show.

ADVERTISING

Nu’ng unang araw daw ng aktres bilang special guest co-host, kabadong-kabado ito, pero paglaon ay lumabas ang pagiging hyper nito na tila nahawa sa kakulitan nina Vice Ganda, Anne Curtis, Billy Crawford, Vhong Navarro, Karylle at iba pa.

Bukod sa It’s Showtime, regular pa rin namang mapapanood si Angel sa Angel Locsin, sa pelikula na magda-Darna?!sitcom na Toda Max with Vhong and Comedy Queen Ai-Ai delas Alas tuwing Sabado ng gabi.

As usual, may mga nakakasa pa rin na mga pelikula na gagawin ang girlfriend ni Phil Younghusband para sa Star Cinema.

ADVERTISING

Malapit na ring simulan ni Angel ang taping ng kanyang bagong teleserye sa Dos bago matapos ang August o sa pagpasok ng September. Pero how true na tila bigla raw nagdalawang-isip ang leading man sana ni Angel sa serye na si Jericho Rosales na gawin ito? May kinalaman kaya ang katatapos lang pagpo-propose ng kasal ng actor sa girlfriend nitong si Kim Jones?

At sa matagal nang usap-usapan kung gagawin ba ulit ni Angel ang seryeng Darna, ang pagkakaalam namin, if ever mangyayari ito, ay sa pelikula muling mapapanood ang aktres bilang Darna, hindi sa isang teleserye.

Abangan din next week ang bagong lalabas na TV commercial ni angel para sa isang sikat na food chain.

 

Angel Locsin, sa pelikula na magda-Darna?!Ryzza Mae, magkikipag-bonding kay Bimby

 

NAKATSIKAHAN NAMIN noong isang gabi si Direk Marlon Rivera sa after party ng premire night ng Ekstra na first ever indie film ni Batangas Gov. Vilma Santos-Recto sa SM Megamall.

Si Direk Marlon na pala ang napiling ipalit nina Vic Sotto at Kris Aquino kay Joyce Bernal para sa movie entry nila sa Metro Manila Film Festival sa December.

Tinawagan daw muna ni Kris ang direktor para ialok ang proyekto bago ito tuluyang nakipag-meeting kina Vic at Orly Ilacad ng OctoArts Films na isa rin sa mga producers.

Kumportable na rin daw kasi sa isa’t isa sina Kris at Direk Marlon, dahil ilang beses na silang nagkatrabaho para TV commercials ng gatas na ini-endorse ng TV host with her son, Bimby.

Magiging supervising producer naman daw ng pelikula nila, kung hindi kami nagkakamali, ang kadalasang nagdi-direk ng mga pelikula ni Bossing Vic na si Tony Reyes.

Bago mag-umpisang magkasama sa shooting sina Bimby at Ryzza Mae Dizon ay ipapakilala muna raw ang dalawa sa isa’t isa para makapag-bonding sila.

Ang balita namin ay isang family and comedy film ang kanilang pelikula at wala raw halong fantasy, gaya ng mga nakaraang movies ni Vic.

Si Direk Marlon din ang direktor ni Rufa Mae Quinto sa comeback film nito na Ang Huling Henya, a Zombie Movie with a Heart na ipapalabas na sa August 21 (2013).

Early next year ay gagawin naman ni Direk Marlon ang solo movie na trilogy na pagbibidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano para sa Viva Films.

 

Angel Locsin, sa pelikula na magda-Darna?!Gerald at Piolo, grabe raw ang love scene sa kani-kaniyang partner

 

SA TRAILER pa lang, very impressive na ang pelikulang OTJ (On The Job) na pinagbibidahan nina Gerald Anderson, Joel Torre, Leo Martinez, Angel Aquino, at Shaina Magdayao mula sa direksyon ni Erik Matti. Ibang klaseng action-drama movie na kitang-kita mo talagang kalidad ng pagkakagawa.

Talagang ibang level na ngayon kung gumawa ng pelikula si Direk Erik simula nang gawin niya ang Tiktik: The Aswang Chronicles ni Dingdong Dantes last year. Nakakabilib!

Nakakaloka raw ang love scene ni Gerlad at ng baguhang aktres na si Dawn Jimenez na inabot nang walong oras, dahil sa pagkuha ng iba’t ibang anggulo ni Direk Erik. Makikita raw ang boobing at slight pechay ng magandang model-turned-actress na si Dawn!

Ano kayang mase-say ni Maja sa mainit na eksena ng jowa niya?

Pero mas grabe raw ang love scene nina Piolo at Shaina na kinunan naman daw ng dalawang araw! Mas wild daw compared kina Gerald at Dawn! Pero ingat na ingat daw sina Piolo at Direk Erik kay Shaina sa mga maiinit at mapupusok na eksena nila. Korek ba, kaibigang Paula Punla? Hahaha!

Mapapanood ang OTJ sa mga sinehan sa August 28 na released by Star Cinema.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING