Angel Locsin sa ‘break-up’ nila ni Luis Manzano: “Hindi pa po”

ADVERTISING

Angel Locsin sa ‘break-up’ nila ni Luis Manzano: “Hindi pa po”Nagsalita na rin si Angel Locsin sa isyu ng hiwalayan umano nila ni Luis Manzano.

Sa interview sa kanya ni Boy Abunda sa “Tonight With Boy Abunda”, Biyernes ng gabi, January 29, sinabi ni Angel Locsin na hindi pa sila hiwalay ni Luis. “Hindi pa po,” aniya.

ADVERTISING

“Pero inaayos naman po namin,” dagdag pa niya bilang paglilinaw na rin sa pinagdaraanang problema nila ni Luis Manzano sa kanilang relasyon.

Nauna nang inamin ni Luis sa report ni MJ Felipe sa Bandila na may problema nga sila ni Angel. At gaya ni Luis, hindi rin nagbigay ng detalye si Angel tungkol sa pinagdaraang problema ng kanilang relasyon.
Pakiusap ni Angel, “Pasensiya na, Tito Boy, ayaw kong mag-elaborate kasi baka may masabi ako na imbes na maayos namin, makasama pa.”

“Ayaw ko naman kasing manloko o magsinungaling. May inaayos lang ho kami,” dagdag pa ni Angel.

ADVERTISING

By Parazzi Boy

ADVERTISING