Angel Locsin received expensive Givenchy bag from Phil Younghusband!

ADVERTISING

Angel Locsin received expensive Givenchy bag from Phil Younghusband!

Angel Locsin received expensive Givenchy bag from Phil Younghusband! INAMIN NA NGA ni Angel Locsin sa ilang showbiz press na sumunod sa kanila ng kaibigan n’yang si Bubbles Paraiso si Phil Younghusband sa Hong Kong nu’ng araw ng kanyang birthday mismo last April 23, Black Saturday.

Idinetalye sa amin ng leading lady ni Aga Muhlach sa In The Name of Love kung paano nangyari at inamin din n’ya sa amin kung ano ang birthday gift sa kanya ng kanyang masugid na manliligaw na si Phil, nang makasama naming mag-dinner ang aktres with her manager Tita Ethel Ramos last Thursday night after ng event ng isa sa kanyang endorsements na dinaluhan.

Sa loob pa lang ng dressing/make-up room ng Club Republiq ni Tim Yap, kung saan ginawa ang event, napansin na namin agad ang magandang black leather shoulder bag na p’wede ring gawing body bag na dala ng personal assistant ni Angel na si Michelle. Isang Givenchy designer bag ang natanggap ni Angel mula kay Phil na isa sa pinakamamahalin at ‘di nawawala sa usong brand ng luxury bag.

Nu’ng Good Friday, April 22, daw lumipad patungong Hong Kong ang magkaibang Angel at Bubbles. Nagulat daw ang magkaibigan nang kinabukasan, as in first thing Saturday morning, dumating daw sa Hong Kong ang matagal-tagal na ring napapabalitang masugid na manliligaw at ngayo’y usap-usapang boyfriend na umano ng dalaga na si Phil bago sila tumungong Macau nu’ng araw na ‘yon.

ADVERTISING

Kasabay na raw ng dalawa na bumalik ng Pilipinas ang Azkal football hunk nu’ng Easter Sunday, April 24.

Angel Locsin received expensive Givenchy bag from Phil Younghusband!

Laking gulat naman daw ni Angel nang makakita s’ya ng isang malaking box mula sa Pandora (isang high-end department store sa Greenbelt 5 sa Makati City na nagbebenta ng mga designer bags, shoes, clothes, perfume, at iba pa, at kung saan din namakyaw ng mamahaling Manolo Blahnik shoes si Toni Gonzaga noon) nang makauwi s’ya ng bahay nila galing Hong Kong na naglalaman nga ng isang Givenchy Pandora messenger bag na nagkakahalaga ng humigit-kumulang sa P100,000 nang aming alamin sa nasabing tindahan na pinagbilhan mismo ni Phil!

Napag-alaman din namin kay Angel mismo nang tanungin namin s’ya na binati naman daw s’ya ng kanyang ex-boyfriend na si Luis Manzano ng ‘happy birthday’ thru text. Ngumiti lang ang aktres nang tanungin naman namin s’ya kung may regalo ba sa kanya ang TV host-actor.

Nu’ng Lunes, lang, bandang alas-dos ng hapon ay nagkasama muli sina Angel at Phil sa Golden Acres sa Tanay, Rizal na tila post-birthday celebration ng una para magpasaya at magbahagi ng kanyang blessings sa mga lolo at lola na inabandona at pinabayaan na ng kanilng mga pamilya.

Ayon sa aming reliable source, ayaw raw ni Angel na ipa-cover sa mga TV crew ang ginawa n’yang pagdalaw sa Golden Acres.

Ngayong tapos na ang teleseryeng I-mortal at shooting ng kanilang pelikula ni Aga na ipalalabas na sa May 11 na ang ibig sabihin ay medyo makakapag-bakasyon na si Angel bago s’ya sumabak muli sa kaliwa’t kanang trabaho, madadalas na kaya lalo ang pagkikita o pagde-date nila ni Phil?

ABA, NAUNAHAN PALANG maka-date ng batang komedyana na si Kiray Celis sina Mara at Clara a.k.a. Kathryn Bernardo at Julia Montes, respectively, sa baguhang binatang aktor at anak nina Cesar Montano at Teresa Loyzaga na si Diego Loyzaga!

Nag-movie date daw sina Kiray at Diego sa Promenade cinema sa Greenhills, San Juan City last Wednesday, April 27, kasama ang ilang fans daw ng young actor at co-star nila sa Mara Clara na si Helga Krapf. Ang 3D computer-animated comedy film na Rio raw ang pinanood ng grupo nila.

Nag-tweet pa ang bagets na komedyana matapos manood ng sine with Diego. “Pauwi nako from promenade! Super fun! bitin! ang kyoot ng RIO na movie! Pero di ko masyadong naintindihan! Si diego kasi! Ang kulit! HAHAHA!”

Pero ayon kay Diego sa isang interview sa kanya, hindi raw natapos ng binata ang pelikula, dahil tinawagan na raw s’ya ng kanyang Tita, kaya umuwi na ang binata.

Makinig ng Wow! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter, @francissimeon.

Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING