Angel Locsin, pumirma ng bagong kontrata sa Dos

ADVERTISING

Angel Locsin, pumirma ng bagong kontrata sa Dos

Angel-LocsinANG PAGPIRMA ng panibagong kontrata ni Angel Locsin sa ABS CBN Channel 2 at sa Star Cinema kamakailan ang kapalit ng pag-atras niya para sa pelikulang Darna dahil sa health issues.

Ngayon pa lang, excited na si Angel sa promise na makakatrabaho niya si Coco Martin. Buong akala raw kasi ni Angel ay hindi na mangyayari ang pangarap na makatrabaho si Coco. Super saya rin si Angel dahil makakatrabaho niya ang award winning director na si Olivia Lamansan para sa isang proyekto.

Ipinagmamalaki at ipinagpapasalamat din ni Angel ang pelikulang pinagsamahan nila ni Vilma Santos at super happy rin siya dahil nakatrabaho niya ang box-office director na si Bb. Joyce Bernal.

Nawala man ang Darna na matagal din niyang hinintay, dumating naman kaagad ang renewal ng kanyang kontrata sa Kapamilya Network at ang number one production outfit na Star Cinema na lahat ng pelikulang gawin ay laging blocbuster sa takilya.

ADVERTISING

 

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING